Mga dahilan ng sakit ng ulo
Ito ang mga pinaka-madalas na nararamdaman ng mga pasyente.
1. Ang mga dahilan ng sakit ng ulo ay stress, depresyon, kaba, tension, lungkot, pag-aalala, at galit.
2. Sumasakit din ang ulo kung nakakuba o poor posture, hindi aligned ang gulugod o spine, matigas ang mga masel sa balikat at arthritis. Kung may rayuma sa buto ng leeg at pagtigas ng panga o TMJ ay sasakit din ang ulo.
3. Sa migraine headache, ang mga pagkain na may tyramine ay maaaring magdulot ng sakit ng ulo tulad ng cocoa, tsokolate, keso, soy products, toyo, alak, msg o vetsin, caffeine, preserved na karne na may nitrites gaya ng hotdogs, bacon, pepperoni.
4. Ang iba pang dahilan ng sakit ng ulo ay low blood sugar, pagdi-diyeta, pagpuyat o kulang sa tulog, sobrang pagta-trabaho o sobrang ehersisyo.
5. Nakakasakit ng ulo ang pag-iiba ng klima o weather na kung minsan ay sobrang init o sobra naman lamig.
6. May mga gamot na kadalasan mayroong side effect kasama ang pagsakit ng ulo.
7. Kung bago o habang may regla at menopause.
8. Ang high blood pressure ay nakakasakit din ng ulo.
9. Lagnat o kaya naman nauntog.
10. May mga taong may irritants sa ilong tulad ng pabango, thinner, pintura, at rugby.
Isulat ito para matulungan ang doktor na malaman ang sanhi ng sakit ng ulo:
1. Magtala ng araw at oras ng sakit ng ulo; lokasyon, at kung gaano ito katagal.
2. I-rate ang sakit from 1-10.
3. Ang dahilan na nakapagpa-trigger at pagkain na kinain.
4. Kung may kasamang sintomas.
5. Kung nasa lahi ng pamilya.
6. Mga gawain o stress level
7. Menstrual cycle
8. Gamot na iniinom
9. Weather o Klima
10. Trabaho o ang mga ginagawa
Kumonsulta sa Neurologist na doktor kung sobra ang sakit ng ulo, sobrang hilo, nagsusuka, walang balanse, may mataas na lagnat, at kung nawalan ng malay.
* * * * *
Bawas timbang para bawas arthritis
Bawasan ang timbang, para mabawasan din ang arthritis. Ang sobrang timbang ay nagpapatigas ng joints.
1. Alisin sa iyong pagkain ang mantika, taba ng karne, full-fat dairy proaducts at trans fat. Ang arachidonic acid, na nagpapalala ng pamamaga, ay matatagpuan sa karneng baboy, baka, at mga laman loob.
2. Ang mabisang paraan para mabawasan ang timbang ay ang alisin ang mga processed foods, chichirya, matatamis na inumin at mamantikang pagkain.
3. Palitan ng mas maliit ang plato, at kumuha ng kaya lang nguyain. Bagalan ang pagkain para mas makaramdan ng pagkabusog.
4. Bago mag-umpisa kumain, puwede ka munang uminom ng 1 basong tubig para mabusog ka ng kaunti. Puwede ding uminom ng clear soup. Kapag umiinom tayo ng mga likido, medyo nakukumbimsi natin ang ating utak na nabubusog na tayo.
5. Magbawas sa pagkain ng kanin. Kung dati at 2 cups ng kanin ang kinakain, gawin na lang 1 cup rice.
6. Huling payo. Dahan-dahanin lang ang pagpapapayat. Huwag gutumin ang sarili. Kumain ng pakonti-konti sa buong araw, tulad ng mansanas, saging o pandesal, para laging may lamang ang inyong tiyan. Good luck.
- Latest
















