^

PSN Opinyon

10 pinaka-nakamamatay na sakit sa Pilipinas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
10 pinaka-nakamamatay na sakit sa Pilipinas

ITO ang sampung pinaka-nakamamatay na sakit nu’ng 2025, anang Philippine Statistics Authority:

(1) Ischemic Heart Diseases - Nagbabara ang plaque sa arteries. Nagkukulang ang dugo at oxygen patungo sa puso. Sumasakit ang dibdib, inaatake at sumasablay ang puso.

(2) Neoplasm – Abnormal ang paglaki ng cells. Nagkaka-tumor na humahadlang sa pagdami ng cells.

(3) Cerebrovascular Diseases – Stroke dahil barado at pumuputok ang daluyan ng dugo sa utak.

(4) Pneumonia – Impektado ang baga ng bacteria, virus, o fungi. Napupuno ng fluids ang baga. Pakiramdam ay parang nalulunod. Peligroso sa mga bata at matatanda.

(5) Diabetes Mellitus – Paulit-ulit, palala nang palala na kakulangan ng katawan ng insulin. Tumataas masyado ang lebel ng sugar. Nakakasira ng puso, kidney, mata, at nerves.

(6) Hypertensive diseases – Paulit-ulit na high blood pressure. Nagpapahirap sa puso at daluyan ng dugo. Nauuwi sa heart attack, stroke, kidney failure, at iba pang komplikasyon.

(7) Chronic lower respiratory diseases - Matagalang sakit sa baga tulad ng chronic obstructive pulmonary ­disease o COPD, emphysema, at chronic bronchitis. Malimit dahil sa paninigarilyo at maruming hangin. Tianatamaan ang mga traffic aids, street sweepers, tsuper ng jeep.

(8) Respitarory Tuberculosis – Impeksyon ng bacteria sa baga. Inaatake rin ang ibang organs.

(9) Iba pang heart diseases – Bumibigay ang puso dahil sa arrhythmia o kaya sa iregular na tibok ng puso, at humihinto ang pagtibok nang ilang segundo. Lunas ay magpakabit ng pacemaker.

(10) Sakit ng kidneys at urinary organs – Matagalang sakit sa bato dahil sa diabetes, hypertension, o iba pang sakit.

SAKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with