Yabang ni Brawner
Ano? Ano bang pinagsasabi nitong si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa mga super powers na nag-uumpugan sa pangkasalukuyang sigalot sa Middle East. Ipagpalagay na lang natin na kaya raw nating makipagsabayan sa US at China kung sakaling umabot ang giyera rito sa ating panig ng mundo.
Brawner naman, huwag mong sabihin hindi ka pa nakapuntang Davis Monthan Graveyard Base sa Tucson, Arizona at nakuha mo pang magyabang. Kahit na nga sa Titan Missile Museum na located din sa Tucson.
Tinatambak kasi ng America ang kanilang mga air assets habang hindi pa nila ginagamit. At makikita mo as far as your eyes can see at parang dagat sa rami ng mga bago at maging lumang eroplano at helicopter maging mga fighter jets at iba’t bang bagong modelo kasali na ‘yung pinaglumaang America kaya tinatawag ang Davis Monthan na Boneyard din ng mga air assets ng US.
Pero hindi ibig sabihin na kesyo nakaimbak ang mga air assets na ‘yon ng America ay magagamit pa rin nila ang iba sa kanila at konting pag-aayos lang ginagawa ayun umaandar na naman at handa na namang lumipad at lumaban ang mga fighter jets.
Anong ipagyayabang ba natin at kaya nating makipagsabayan sa US, China at mga powers sa Middle East gayung ang natatanggap natin galing sa USA na kuno ay donation o binibili natin at mga Vintage Vietnam. Ibig sabihin mga pinagkalumaan na ng USA at ito ‘yung mga tinuturing ng mga Kano na scrap metals nga eh.
Kaya, Brawner, bago kayo magyabang na kaya nating makipagsabayan sa mga super powers gaya ng US at China, punta kaya muna kayong Davis Monthan Boneyard base. At baka hindi ka pa nakapanood ng victory parade ng China sa Beijing at tiyak na mamangha ka rin sa missile display nila.
Ang tanong, may laban ba tayo rito sa ‘Pinas, huh, Brawner?
- Latest
















