^

PSN Opinyon

May alitan ba ang PNP at DILG?

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

ANO ba ang ang nangyayari sa Philippine National Police (PNP) at Department of Internal and Local Government (DILG)? 

Mantakin n’yo sa kalagitnaan ng dapat ay turnover cere­mony kahapon ng umaga nang ni-relief na si Col. Mannam Muarip bilang Davao City Police Office chief at hahalinhan ni Col. Pete Mudria, hindi ito natuloy.

Naunsiyami ang seremonya dahil daw sa utos ng DILG.

Ginawang katatawanan ang PNP dahil sa utos ng DILG. Binabali ng DILG ang sariling kautusan ng PNP.

Kaya, hayun, si Muarip ay nananatiling Davao City police chief at si Mudria naman ay balik sa kanyang puwesto bilang assistant deputy director sa Police Region XI Office.

Isipin n’yo na lang na nangyari ang lahat sa kalagitnaan ng dapat na turnover ceremony.

Samantala, nanumpa nang mayor ng Davao City si Sebastian Duterte at ang kanyang pamangkin na si Rodrigo “Rigo” Duterte ang nanumpang vice mayor. Sina Baste at Rigo ang ang nakakuha nang pinakamaraming boto noong May 2025 elections.

Dahil hindi makakauwi si dating President Rodrigo Duterte na nanalong mayor ng Davao City noong May polls, umakyat ang dalawa sa kanilang sariling estado. Si dating President Duterte ay nakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague mula pa Marso 11, 2025.

Inaresto si Digong ng Interpol sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police. Nagkaroon pa ng ilang oras na standoff sa NAIA dahil pinipigilan si Digong ng kanyang mga abogado. Si Gen. Nicolas Torre, ngayon ay MMDA general manager ang namuno sa pagsisilbi ng warrant kay Duterte na inabot ng alas-onse ng gabi. Inakusahan si Dutertre ng crime against humanity dahil sa madugong kampanya laban sa droga.

DILG

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with