^

PSN Opinyon

Makalalaya na kaya si De Lima?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TULUYAN na kayang maaabsuwelto at makalalaya na sa mga kinakaharap na drug related cases si Senador Leila de Lima matapos mag-urong ng mga sinumpaang salaysay laban sa kanya ang drug Lord na si Kerwin Espinosa?

Sinabi ni Espinosa na ang kanyang pagdadawit kay De Lima ay dahil sa mga pananakot at panggigipit sa kanya­. Sino pa ba ang manggigipit sa kanya kundi ang kalaban o mga kalaban ng senadora na noon pa mang una ay gusto na siyang makalaboso? Kayo na ang humula kung sino.

Noon pa man ay may hinala na ang marami na ang pag­sasampa ng kaso laban kay De Lima ay pawang politically motivated. Ginawan pa ng sex video si De Lima na halata namang dinuktor.

Biktima rin ng inhustisya si De Lima dahil nakulong siya nang napakatagal at nakabitin sa ere ang kanyang kaso. Ngayon ay tumatakbo siyang muli sa pagka-senador pero tila nangungulelat sa mga survey. Puwede naman talaga siyang kumandidato kahit anong posis­yon dahil hindi pa naman siya matatawag na convicted criminal.

Iyan ang masakit na katotohanan sa Philippine politics. Hindi lang character assassination ang gagawin sa kalaban­ kundi gagawan pa nang matitinding asunto. Totoo man o hindi ang paratang kay De Lima, dadalhin niya ang latay ng akusasyon hanggang hukay habang may mga naniniwala rito.

Hindi lang siya ang magdurusa kung magkakagayon­ kundi pati ang mga malalapit niyang kaaanak. Sana, lumabas ang buong katotohanan tungkol kay De Lima.

vuukle comment

KERWIN ESPINOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with