^

PSN Opinyon

Mga haharaping desisyon

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Halos 48,000 ang nagfile ng kanilang kandidatura para sa mahigit 18,000 na posisyong paglalabanan sa Mayo. Sa bawat sulok ng bansa, patapos na ang mga termino ng pinagkatiwalaan ng mandato noong 2019. Tanging 12 senador ang mananatiling nakapuwesto. Pati rin ang ating mga barangay officials na hindi sumasabay sa national and local elections ang term of office.

Nauna nang napiga ang merito at kawalan nito ng mga kandidato sa pagkapangulo. Kasunod na nito ang pagsu­suring tatanggapin ng ating mga vice presidential candi­dates at pagkatapos, mga senador. Iyan ang mga pala­isipang bubunuin ng lahat ng Pilipino. At, sa kalibre ng mga kandidato, mukhang mahihirapan tayong makapamili.

Subalit ang magiging mas mapusok ang desisyon ay ang kung sinong mga pipiliin nating mamuno sa ating mga bayan, lungsod at lalawigan. Kahit pa bago ang pandemya ay naging prinsipyo ang pagpaubaya sa lokal na pamahalaan (LGU) ng pinakamalawak at malayang pamama­lakad. Ito’y upang ang gobyerno ay lalong mapalapit sa pulso ng tao.

Ngayong humaharap tayo sa hamon ng COVID, lalo pang nagiging kritikal ang pagpili ng kung sino ang may sapat o likas na puso at kakayahan na bigyan tayo ng fighting­ chance sa ating mga komunidad. At ang pamaha­laang na­­­­s­yonal ay susuporta sa pangangailangan. Kung sa kasag­­­sagan ng COVID ay sinikap muna ng Ehekutibo at ng Kongreso na magkaroon ng national approach sa paglaban sa pandemya, kamakailan lang ay dineklara ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Justice na ang bawat isang LGU ay may layang magtalaga ng kani-kanilang patakaran sa pagbakuna. Kasama na rito ang desisyon kung mandatory ba ito o hindi.

Sa 2022 rin ay madaragdagan ng napakalaking halaga ang budget ng mga LGU dala ng desisyong Mandanas kung saan kinumpirma ng Supreme Court na ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga LGU ay mas malaki dapat ang pagkuhanan sa ibinabayad nating buwis.

Ang mga pagkakatiwalaan nating mamuno ay may mas malaking responsibilidad, kasama na rin ang pinalakas na kakayanan upang harapin ang hamon ng serbisyo.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with