^

PSN Opinyon

Patunayan kung malinis o hindi

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON sa US geospatial firm Simularity, daan-daang Chinese vessels ang nagtatapon ng human waste sa karagatan na nagiging sanhi ng pagkasira ng bahura. Isipin na lang ang bilang ng tripulante ng bawat barko. Tiyak na hindi nila maiimbak ang kanilang dumi sa barko kaya itinatapon sa dagat.

 Ilang beses nang nagsampa ng protesta ang bansa tungkol sa mga barkong ito ngunit ano ang ginagawa ng mga Chinese? Hindi nila ito pinapansin at sabay tapon pa ng kanilang dumi sa loob ng ating EEZ. Tila nang-iinsulto pa.

 Dagdag ng Simularity, “damage to reefs in some parts of the Spratly Islands in the West Philippine Sea in the last five years caused by sewage effluent is visible and dramatic, on top of marine destruction caused by China’s artificial island-building and illegal harvest of giant clams.”

Kuha mula sa satellite imagery ang chlorophyll-a na dumarami sa Union Banks. Ang Chlorophyll-a ay isang sukat ng phytoplankton. Ito ay sinisi sa “red tides” na nagdudulot ng hindi makaing mga tahong at iba pang pagkaing dagat.

 Kung totoo ang ulat ng Simularity, ito ang patunay na walang pakialam ang China sa kapaligiran basta’t magawa at makuha ang kanilang gusto. Iyan ba ang ginagawa ng sinasabing kaibigan? Tungkol sa isyu ng pagtapon ng dumi sa dagat, hindi pa naglalabas ng pahayag ang Palasyo. Marahil ay naghahanap ng tamang mga salitang sasabihin upang hindi masaktan ang China.

Pero nagsalita na ang Defense at Foreign Affairs secretaries na “fake news” daw ang mga ito. Tiyak na makulay­ na naman ang mga sinabi ni DFA Sec. Teddy Locsin. Ganun­ pa man, inutos na ni DND Sec. Delfin Lorenzana ang Western Command na nagbabantay sa rehiyon na imbestigahan kung totoo  nga ang ulat ng Simularity.

Ito ay kung papayagan naman makalapit at makakuha ng sampol ng tubig sa lugar kung saan naka-angkla ang mga barko. Iyan lang naman ang kailangan para patunayan kung malinis pa nga ang karagatan sa paligid nila o hindi.  

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with