^

PSN Opinyon

ECQ tamang-tama sa Semana Santa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IDEKLARA man ng pamahalaan o hindi ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) puwede namang sa sarili nating desisyon ay manatili na lang sa loob ng bahay dahil Semana Santa naman.

Pero idineklara na rin ito ng pamahalaan dahil marami sa ating ang mahilig magliwaliw kapag Semana Santa: Nagpupunta sa mga resorts, picnic grounds at kung saan-saan pang lunan na mapaglilibangan. Isang numero unang factor iyan sa pagpapabilis sa transmission ng COVID-19.

Kaya siguro nagdeklara na rin ang pamahalaan ng ECQ mula ngayon, Marso 29 hanggang Abril 4. Iyan, bukod pa sa pagpapahaba ng curfew hour mula alas-sais ng gabi hanggang alas-singko ng umaga.

Nakababahala na kasi ang mabilis na pagsirit ng kaso ng COVID-19 na umano’y nahigitan na ang naitalang record nang ito’y nagsisimula pa lang manalasa sa bansa. Kung tutuusin, maigsi ang panahon sa muling pagpapatupad ng ECQ na bale limang araw lang.

Kasi nga, narinig na natin sa Pangulong Duterte mismo na ang matagal na paglilimita sa galaw ng tao at negosyo ay magiging matinding dagok sa ekonomiya. Siniguro naman ng Palasyo na ang lahat ng lugar na sakop ng ECQ sa NCR at iba pang probinsya ay mabibigyan ng karampatang ayuda.

Kaya mag-enjoy na lang sa ating mga bahay sa loob ng Holy Week at gugulin ang panahon sa pananalangin na lalong kailangan ng daigdig ngayon.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with