^

PSN Opinyon

ABS-CBN nabuhay ang pag-asa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Para sa mga masugid na tagasubaybay ng ABS-CBN at maging sa pamunuan nito, ito’y isang magandang development. Naghain na ng panukalang batas si Senate­ President Tito Soto para ma-renew ang napasong prangkisa ng naturang radio television network.

Marami ang nalungkot noong nakaraang taon matapos tuluyang ibasura ng Mababang Kapulungan ang rene­wal ng prangkisa ng network dahil sa ilang kontrober­­syal na dahilan kasama na ang alitan nito kay Presidente Duterte.

Sa Senate Bill 1967 itinatadhana na mabigyan ng renewal ang prangkisa ng ABS-CBN ng panibagong 25 taon, alinsunod sa Republic Act 7966. Hindi man aminin ng administrasyon, talagang politika ang maliwanag na dahilan kung bakit ibinasura ang franchise application ng network. Alam na iyan ng karamihan sa ating mga kababayan.

Sa loob ng maraming taon, ABS-CBN ang nangu­ngunang himpilan ng radio at telebisyon para sa Filipino viewers. Kahit nawalan ng prangkisa, “never say die” ang network.

Patuloy na nagbobrodkas ito sa ibang social media platform bukod pa sa pagbili nito ng airtime sa Zoe Television na ngayon ay tinatawag na A to Z para maipagpa­tuloy lang ang iginagalang na tradisyong makapaglingkod sa pamamagitan ng brodkas.

Sabi ni Sotto, naniniwala siyang malakas ang tsansa­ ng ABS-CBN na makapag-renew ng lisensya para maka­pagpatuloy ng operasyon dahil ang namumuno ngayon ng Mababang Kapulungan ay si Speaker Lord Allan Velasco. Sana nga. Sana rin, humupa na ang galit ni Presidente Duterte sa network para hindi na niya pigilang makakuha ng bagong lisensya ang ABS-CBN. Let bygone be bygone.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with