^

PSN Opinyon

Nagbago na ang inog ng mundo sa Kamara

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Walang “forever” sa pulitika, ito ang mainit na usap-usapan sa House of Representative. Kasi nga mga suki, noong pilit na inaabot ni Speaker Lord Allan Velasco ang trono ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa usaping term sharing, todo-todo ang ipinakita niyang pakikitungo sa mga kongresista. Ngunit nang makuha na niya ang puwesto, nagbago na ang inog ng mundo sa Kamara, hehehe!

Sa unang salbo ay nang tanggalin niya ang ilang de­puty speakers at binalasa ang chairmanship ng mga House committee. Maugong din na nilulutong mapalitan si House Ma­jority Leader Martin Romualdez, bukod kasi sa malapit ito kay Cayetano ay puntirya rin ni 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero ang nasabing puwesto.

Bago pa nabuo noon ang term sharing agreement sa pagitan nina Cayetano at Velasco, si Romero na ang napi­­pisil na maging House Majority Leader kung magiging Speaker si Velasco. Sa nabuong  term sharing agreement, napagkasunduan na tanging sina Cayetano at Velasco lamang ang magpapalit ng puwesto habang mananatili at hindi gagalawin ang deputy Speakers at chairman ng mga committee dahil sa kasunduang ito kaya nagkaroon sa kauna unahang pagkakataon na 22 deputy Speakers ang Kamara, para i-accomodate ang mga kaalyado nina Velasco at Cayetano at magkaroon ng “unified House” kahit pa man dalawa ang magiging Speaker sa 18th Congress.

Sa naging pag-uusap nina Cayetano at Velasco kay Pres. Rodrigo Duterte ay nangako pa ang huli na walang magiging pagbabago sa mga opisyal ng Kamara. Nang maupo si Velasco ay kabaliktaran ang nangyari dahil sinimulan nitong tanggalin sa puwesto ang mambabatas na malapit kay Cayetano, pangunahin na si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na naging malaki ang kontribusyon para sa pagsasabatas ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 na nagbigay daan para makinabang ang 18 million recipients sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Sa patuloy na “purge” na ginagawa ni Velasco ay inalis ding deputy Speakers sina Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Raneo Abu at Capiz Rep. Fredenil Castro na nagsulong sa Bayanihan Act at pagpasa sa mga legislative agenda ng administrasyon. Samantala inalis bilang head ng House contingent to the House of Representatives Electoral Tribunal si Kabayan Rep. Ron Salo. Ang mga sumusuporta sa ABS-CBN franchise na sina Buhay Partylist Rep. Lito Atienza at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang ipinalit sa puwesto. Naitalaga rin na Deputy Speaker si Las Pinas Rep. Camille Villar subalit tinanggihan ang posisyon.

Aminado ang ilang insider sa Kamara na para makuha noon ang suporta ng mga kapwa mambabatas na ang suporta ay na kay Cayetano, pinangakauan ni Velasco ang mga ito na makakakuha ng puwesto sa kanyang liderato. Naawat lamang umano ito nang mamagitan si Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu.

Nabatid na si Garin ay pumoporma na maging chairman ng House Committee on Ways and Means subalit hindi naman nito mabangga si Albay Rep Joey Salceda na inalok na maging deputy Speaker subalit hindi pumayag.

Si Duterte ang humahawak ngayon ng makapangyarigang House Committee on Accounts habang naitalang Vice Chairman din ng komite si House Appropriations Committee Chairman at Benguet caretaker ACT CIS Partylist Rep. Eric Yap na malapit na kaibigan ni Duterte.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with