^

PSN Opinyon

‘Term sharing’ iniintriga na

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Mukhang may napapraning sa Kamara dahil may nagpapaputok na naman ng isyu na mainit na raw si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at tahimik na gumagapang para maagang makuha ang pagka-Speaker of the House?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gagamitin umano ni Lord ang alokas­yon para sa 2021 National Budget para hikayatin ang mga kongresista na yakapin na nila nang mas maaga ang puwesto para maagang maging Speaker ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na siguro dapat pang intrigahin si Lord dahil alam naman ng madlang people na may usapan sina House Speaker Alan Ca­ye­tano at Velasco sa harapan pa ni Boss Digong na maghahati sila sa puesto sa pagka-Speaker of the House kaya naman nauna nang umupo si Cayetano sa kanyang trono at bababa pagkatapos ng kanilang usapan para magpalitan na.

Hindi biro ang intrigang naglalabasan sa nga­yon parang pinag-aaway ang dalawa ng kung sinong kamote sa Kamara.

Sabi nga, huwag paniwalaan ang tsismis?

Ang tsismis kasing kumakalat ay ngayon pa lang ay kukunin na ni Lord kay Cayetano ang pag­ka-Speaker kaya ginagamit daw ng una ang alo­kasyon para sa mga project sa 2021 national budget?

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi pa raw, tinatakot pa ni Lord ang hindi susuporta sa kanya at zero ang district ng kongre­sista na kokontra kay Velasco?

Totoo kaya ito?

Abangan.

vuukle comment

ORA MISMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with