^

PSN Opinyon

Political will ni Mayor Isko

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANO ang ibig sabihin ng political will? Ito ay paggawa ng ano mang desisyon na hindi magustuhan ng marami pero makabubuti para sa higit na nakararami.

Halimbawa, ang pag-aalis sa mga informal settlers at mga illegal vendors na sagabal sa mga daan ay isang hakbang na ikagagalit ng mga naapektuhan.

Ngunit sa isang banda, ito’y para sa kabutihang ng lungsod o bayan na pinamumunuan ng isang leader.

Popular si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso pero sa kabila nito, marami rin ang nagagalit sa kanya.

Kita naman natin ngayon, maluluwag at nadaraanan na ng mga sasakyan ang mga lansangan na dating inokupahan ng mga vendors. Mas marami ang nakikinabang hindi lamang mga taga-Maynila kundi maging yaong mga nanini­rahan sa ibang mga bayan at lungsod ng Metro Manila.

Hindi takot si Isko na mawalan ng political mass base basta ang ginagawa niya ay tumpak. Iyan ang political will. Hindi iniisip ang kanyang susunod na termino kundi ang pag­gawa niya ng tama habang siya ay nasa kapangyarihan. Bihira ang mga leader na tulad niya.

Ang pinaka huling kontrobersyal na ginawa ni Isko ay ang pagpapasara sa Isetann Mall sa Maynila hindi lang dahil sa maraming paglabag sa ‘di pagbabayad ng tamang buwis at kawalan ng business permit. 

Tinuran din ng Manila Mayor na ang naturang Mall ay pinagbebentahan din ng mga cellphone na GSM o Galing sa Magnanakaw. 

Maraming nawalan ng hanapbuhay at natural, lahat ng mga nasagasaan ni Isko ay magagalit sa kanya. Tama ba ang ginawa niya? Tama porke walang mali sa implemen­tasyon ng batas. Hindi man magwagi si Isko sa susunod na halalan sa Maynila, mayroon siyang mabuting binhing na­itanim na ang bunga ay aanihin tiyak ng susunod na salinlahi ng mga Manilenyo.

Sinabi ni Isko, kinukonsidera na ng konseho ng Maynila ang pagbuo ng batas na magbabawal sa pagbebenta ng mga segunda-manong cellphone na walang proof of previous ownership.  Sa napakahabang panahon, ang kahabaan ng Rizal Avenue sa Sta. Cruz ay naging pugad ng mga vendors na nagbebenta ng mga second hand cellphones. Naniniwala ako na karamihan sa mga cellphone na ito ay ninakaw ng mga snatchers na nag­lipana sa Maynila.

Kaya hindi man popular ang mga aksyon ni Isko, kung ang mga ito’y mabuti, suportahan natin siya.

mga segunda-manong cellphone na walang proof of previous ownership.  Sa napakahabang panahon, ang kahabaan ng Rizal Avenue sa Sta. Cruz ay naging pugad ng mga vendors na nagbebenta ng mga second hand cellphones. Naniniwala ako na karamihan sa mga cellphone na ito ay ninakaw ng mga snatchers na nag­lipana sa Maynila.

Kaya hindi man popular ang mga aksyon ni Isko, kung ang mga ito’y mabuti, suportahan natin siya.

 

vuukle comment

MAYOR ISKO

YORME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with