^

PSN Opinyon

Fake news sa eleksyon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAALALA ko ilang taon na ang nakalilipas nang magdaosdin ng local elections, may gumawa ng pekeng issue ng Pilipino Star NGAYON na pabor sa isang kandidato. Agad naming pinabulaanan ito. Diyosme, hindi lang balita ang pinepeke kundi buong pahayagan! Ngayon, panahon na naman ng fake news  at gamit na gamit ang social media.

Hindi pa tapos ang kalbaryo ni Senatorial bet Bong Revilla. Matapos  kasuhan at makulong ng apat na taon  ay ayaw pa rin siyang tigilan kahit siya ay lusot sa mga kaso laban sa kanya.

Sampal sa mga kalaban sa pulitika ni Bong ang pagkaabsuwelto niya sa lahat ng ikinaso sa kaniya. Nirepaso ito ng Sandiganbayan bago maglabas ng pinal na desis­yon at napatunayang puro pala ito imbento at walang katotohanan. Tama na sana ang bulok-propaganda tuwing eleksyon. Hindi aasenso ang bansa sa ganyang sistema.

Anang isang kumalat na black prop sa social media, binato raw ng bote sa isang sortie si Revilla na ayon sa kampo ng dating Senador ay lihis sa katotohanan. Okay siguro ang propaganda kung “pampaguwapo” lang. Pero kung paninira, huwag naman! Kung totoo ang pangyayari, dapat sana ay major story iyan sa radio at telebis­yon pero walang lumabas na ganyang balita.

Sa totoo lang, sa bawat lugar na puntahan ni Sen. Bong ay pinagkakaguluhan siya ng mga tao. Pero kasunod nito ay isang paninira na halata namang ang gumagawa nito ay nakatutok sa galaw ni Sen. Bong. Sa Baguio kama­kailan, kitang-kita naman sa telebisyon at pahayagan kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga tao kay Bong pero sinabi nila sa social media na may nambato raw ng bote.

Mismong si Baguio City Councilor Elmer Datuin ay nagsabi na walang insidenteng pambabato ng bote, katunayan ay naglakad pa nga si Sen. Bong sa palengke at bukod sa tilian ay may mga nag-iiyakan pang supporter.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with