^

PSN Opinyon

Handa na ba kayo?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MULING nagpahayag si Pres. Rodrigo Duterte, na mas maganda raw para sa bansa ang mapamunuan ng katulad ng dating diktador Ferdinand Marcos, kaysa kay Vice President Leni Robredo. Bilib na bilib talaga sa dating diktador ng bansa, na dahilan kung bakit nawala ang kaunlaran at naiwan ang Pilipinas sa Timog-Silangang Asya. Ang tila pinalalabas ni Duterte ay hindi kaya ni Robredo ang ituloy ang kanyang kampanya kontra iligal na droga at korapsyon. Kung bababa raw siya sa puwesto ngayon at magpapatuloy ang iligal na droga at korapsyon, patay na raw ang bansa. Ganito rin ang sinasabi ni US President Donald­ Trump, na kung matalo raw ang Republicans sa Nob­yembre, magkakaroon daw ng karahasan.

Muling binanggit si Bongbong Marcos, o isang military junta, ang mas nais na pumalit sa kanya kung sakali. Pero nagsalita na ang militar, na ang kanilang susundan ay ang Konstitusyon. Dapat lang. Sila nga ang pangunahing tagapagtanggol ng Konstitusyon. Nagsalita na rin si Sen. Escudero, isa pang pinili ni Duterte, na ang dapat sundan ay ang Konstitusyon. Wala pang pahayag o pagbabago ng paniniwala sa muling pagbanggit ni Duterte sa papalit sa kanya.

Marami pang biktima ng rehimen ni Marcos ang hindi pa makalimot sa mga pinagdaanan nilang kahirapan. Mga nawalang kamag-anak na hindi na makita. Mga laganap na pang-aabuso ng pulis at militar sa karapatang-pantao. At ang malawakang korapsyon na naging dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya at kaunlaran ng Pilipinas. Nakapagtataka na kung galit na galit sa korapsyon si Duterte, bakit binuwag ang PCGG, na ang tungkulin ay habulin ang mga nakaw-yaman ng mga Marcos? Hindi pa nga lubusang mabawi ng gobyerno ang mga bilyun-bilyong nakaw na yaman. Sinesegundahan din ba ni Duterte ang “move on” na pahayag ni Imee Marcos, kaya ganyan ang mga binibitaw na salita ngayon? Kinukundisyon na ba niya ang bansa sa mga maaaring maganap sa mga darating na araw kaya nagsasalita ng ganyan? Handa na ba kayo?  

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with