^

PSN Opinyon

Patuloy na magpipista ang drug syndicates

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA mundo ng pulitika, ‘di mawawala ang mga pabor at kon­tra. Bawat isyung inilalabas ng media, papatulan at bibig­yang kulay ng mga kritikong makakaliwa. ‘Di mapipigil sa pagsasalita, daig pang may mga diarrhea sa bunganga!

Pinuputok ngayon ng butsi nila, ang panukalang isinusulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na random drug testing mula Grade 4 students hanggang college.

Sagot ng mga mambabatas na nakikiangkas, sakay, sawsaw sa isyu, huwag pagdiskitahan ang mga bata. Itigil na raw ang kabalbalan ng PDEA at drug lords ang pagtuunan ng pansin ng ahensiya.

Dito nakikita ang malaking pagkakaiba ng pag-iisip at pananaw ng mga tagagawa ng batas at tagapagpatupad mismo ng batas. Lawmakers’ vs law enforcers ika nga.

In a phone conversation according to PDEA, it will be a holistic approach.  Higit sa crime solution, crime prevention ang nais ng ahensiya.

Hindi rin ito balak isagawa dahil para takutin at magkaroon ng trauma ang mga bata. Bagkus, ito pa ang makasasagip sa mga naliligaw ng landas at makapagpoprotekta sa kanila.

Sa pamamagitan ng drug testing, malalaman ng mga magulang, guro at kinauukulan ang hubo’t hubad na kato­tohanan. Bago pa lumala ang problema, sinasawata mo na. Proactive sa Ingles.

Bago pa man ito imungkahi ng PDEA, malalim na ang kanilang pag-aaral tungkol dito at hindi bara-bara. Ayon sa kanilang intel na nagmula mismo sa mga na-rescue nila sa drug operations, pabata nang pabata ang ginagamit ng mga sindikato ng illegal drugs sa bansa.

Hindi ba’t naipalabas na namin sa BITAG ang isang operasyon kung saan isang grupo ng mga kabataan ang nahuli sa isang hotel dahil nagja-jamming sa high grade ecstasy? O karamihan dun, iskolar sa unibersidad ng mga sindikatong nasa likod ng millennial drugs.

Ang nagpapalakas kasi ng loob sa mga sindikato, ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na akda ni Sen. Kiko Pangilinan. Dahil sa batas na ito, ginagamit ng drug syndicates ang mga menor de edad para magbenta at magdeliber ng droga.

Oo nga naman, kapag ang menor de edad ay nagkasala kesehodang nahulihan pa ng droga, di mo puwedeng ikulong at parusahan. Ang siste, lusot sa kabalbalan.

Isa lang naman ang punto ko rito. The more that the law protects child drug offenders, the more na gagamitin sila ng iba’t ibang sindikato. Imbes na pinatatapang n’yo ang batas para protektahan ang mga bata, mas mabuting patapangin n’yo ang batas para di magamit ang kabataan.

Kung ako ang tatanungin, it’s too early para pumabor but I also don’t disagree. Nasa proposal stage pa lang naman ang sinasabing ito ng PDEA.

PDEA opened it to the public para makatanggap ng suhestiyon at objective na pananaw. Ang problema, hindi pa man ay binabaril na agad.

Ironic nga kung titingnan. Sila na nga ang gumawa ng batas na maraming butas, sila pa ang puro irrational ang pinagsasabi! Kaya ayan, pista pa more ang mga sindikato.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with