^

PSN Opinyon

Anti-dengue idinepensa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TAGUBILIN lagi ni Sen. Richard Gordon nang siya ay Tourism Secretary pa ay pabilisin ang mga proyekto ng gobyerno. Kasi, dapat ubusin ng mga opisina ng gobyerno ang kanilang budget bago matapos ang taon dahil ang mga natitira ay kailangang ibalik sa national treasury. Sayang naman. Dapat din kasing matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan ng mga programa ng gobyerno. 

Noong 2010, nagkaroon ng 100,000 dengue cases. 140% mas mataas kaysa nakalipas na taon. Wala pang gamot sa dengue noon. Inilunsad ni dating Health Secretary Ona ang national dengue immunization program na ang gamit na gamot ay actrx triact. Dahil sa mga alegasyon ng kurapsyon, nagbitiw si Ona at pumalit si Janette Garin bilang Health Secretary. Nadiskubre ng DOH na wala pang approval ng Food and Drug Administration ang nasabing gamot kaya kinontra ni Dr. Anthony Leachon. Aniya, may gamot na pwedeng ipalit sa actrx triact. Ito ang tinatawag ngayong Dengvaxia.

Anang mga kontra, masyadong mabilis ang pagbili nito. Pero sabi naman ng mga pabor, may epidemya ng dengue at tanging ang Dengvaxia ang aprobadong lunas noon, kaya ginamit itong bakuna laban sa dengue. Anang DOH, 439,000 lamang ang nabakunahan noong panahon ni Garin sa halagang 1 bilyon piso bago ang administrasyong Duterte. Sa ilalim ni Secretary Paulyn Ubial, nabakunahan ang 439,000 sa pag-uudyok ni Dr. Leachon at Dr. Dans, at binakunahan pa ang higit sa 400,000 na katao at 14,000 pulis sa ilalim ng expanded community immunization program.

Totoong mabilis ang pagpapatupad ng programa dahil grabe ang epidemya na dapat labanan. Anang mga observers, hindi kasalanan ang mabilis na pagkilos ng gobyerno. Anila, hindi masasabi kung may epekto ang Dengvaxia sa datos ng dengue dahil bumababa ang mga nagkakasakit nito sa 100,000 ulit nuong 2017. Ang tanong, kung walang kurapsyon, masama ba ang mabilis na aksyong pampubliko at pangkalusugang serbisyo?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with