^

PSN Opinyon

PNP - HPG, galaw, galaw

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Yesterday, bandang alas - 10am, mistulang naghihingalong pagong ang mga sasakyan sa EDSA north bound going Makati dahil nakatukod na ang traffic at halos ayaw na umandar ang mga sasakyan dito na parang ipinarada na lamang sa nasabing lugar.

Ika nga, mega parking lot?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pagbaba ng mga vehicles sa EDSA - Kamuning flyover north bound pagalingan na sila nang diskarte sa singitan dahil ang mga barumbadong drivers ng mga dambuhalang bus galing sa bus lane nila ay nagpipilit sumiksik papunta sa inner left car lane kaya naman ang mga pribadong drayber ay buwisit na buwisit sa mga ito dahil lalong humahaba ang traffic porke ang volume ng mga parating na private vehicles o yong nasa likuran nila ay naapektuhan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, usad pagong ang takbuhan hanggang makarating sa Cubao tunnel north bound pero ilang metro bago umahon paglagpas nang EDSA - P. Tuazon tunnel ay muling ihahambalang ng mga barumbadong drivers ang kanilang bus para siksikin muli ang mga kotse dahil kailangan na silang bumalik sa bus lane at baka sila mahuli kapag nakita ng mga manghuhula este mali manghuhuli pala.

‘Bago sila makabalik sa bus lane, magbababa muna sila sa gitna ng mga pasahero habang nakabalagbag at pasingit ang kanilang sasakyan,’ sabi ng kuwagong nababaliw.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga gagong drivers ng bus na gumagawa ng kabalastugan sa pagmamaneho ay binabalewala lamang ng mga PNP - HPG na nakatayo dyan sa EDSA na parang mga tuod lamang.

‘Bakit hindi nila ito hinuhuli may violation ang mga kamote?’ tanong ng kuwagong pobreng alindahaw.

Sagot - tiyak may kalakaran nangyayari sa EDSA kaya hindi mapatino ang traffic dyan!

Totoo kaya ito?

Abangan.

Belmonte, father of modern Kyusi

AMINADO ang madlang people sa Kyusi na kaya naging maunlad ito ay dahil sa mga programang ginawa ni dating Mayor at ngayon ay Congressman Sonny Belmonte Jr.

Hanga si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, sa kanyang erpat dahil bukod sa naging maunlad ang Lungsod ... bayad as in paid ang mga utang ng Kyusi government mula noong maupo ito bilang Alkalde simula 2001.

Sabi nga, P3 billion ang utang na iniwan ng kanyang pinalitan sa trono sa munisipyo.

‘Hindi ba ang laking pera nito kaya baon ang Kyusi go­vernment sa utang?’ sabi ng kuwagong haliparot.

Pero matapos ang 2010 at bumaba na si Sonny sa trono at inilipat kay Mayor Bistek ang pamamahala sa Siudad nag-iwan pa ng may P6 billion pondo ito sa huli.

Ika nga, very lucky guy si Bistek dahil malaking pondo ang naiwan sa kanya para sa mga gagawin niyang proyekto todits.

Last 2007, sa ika-3rd term ni Sonny ang Kyusi for information ang ika - 7th ‘Asian City of the Future’ base ito sa survey ng London Financial Times at dehins ito gawa-gawa lang.

Ang Kyusi ay may P19 billion annual budget!

Ang bumantot na paraiso

NAGPADALA ng mission impossible este mali team pala si DENR Secretary Roy Cimatu sa isla ng Boracay upang maayos ang mga kabantutan dito este mabigyan solusyon ang mga environmental issues todits.

May 50 impossible dreams este team ng  DENR galing sa six regional offices ng nasabing ahensiya ang siyang bubusisi para malaman kung anong solusyon ang dapat gawin sa problema sa bumabantot na ‘paradise.’

Bumantot ang paraiso dahil na rin sa kapabayaan ng ibang mga local officials sa lugar.

Maayos pa kaya ito?

Dapat!

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with