^

PSN Opinyon

Manyak si titser

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

ISANG kaso na naman ito ng paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) tulad ng nakasaad sa Article III, Section 5 (b) na nagpaparusa sa anumang uri ng pang-aabusong sekswal sa isang batang wala pa sa disi-otso ang edad. Ayon sa batas na ito mahalaga ba ang pagpayag ng bata?

Isang inosente at walang kamuwang-muwang na disi-siete anyos na estudyante si Lexy sa isang ekslusibong paaralan ng mga babae. Galing siya sa isang broken fa­mily at nakatira kasama ang nanay niyang si Josie. Isa sa mga titser niya sa klase ng Philosophy II ay ang 28-anyos na binatang si Raffy. Magiliw sa mga estudyante niyang tinedyer si Raffy. Madalas nga ay pinupuntahan pa niya ang mga ito pag breaktime o sa pagitan ng kanilang mga klase. May listahan siya ng mga pangalan at numero ng telepono ng mga tinedyer.

Isang beses, habang nag-uusap sina Lexy at mga ka­ibigan tungkol sa napanood na pelikula na may kinalaman sa sexual education, sumingit si Raffy at ipinagyabang ang koleksyon niya ng mga x-rated na pelikula. Lalong nagulat ang grupo nang ikuwento pa ni Raffy ang mga natikman niyang paraan nang pakikipagtalik at niyaya pa sila na manood kasama nito.

Isang linggo pagkatapos ng insidente ay inulit ni Raffy ang imbitasyon. Para lang hindi mapahiya ang titser ay sumama si Lexy pati ang mga kaibigan niyang sina Rica at Carla. Pumunta sila sa isang lodge para mapanood ang mga tape pero pagdating doon ay wala naman video cassette player at imbes ay pinilit pahigain sa kama ni Raffy ang mga dalagita. Mabuti na lang at nakapanlaban ang magkakabarkada. Si Raffy na mismo ang humingi ng dispensa sa kanyang ginawa.

Nag-umpisang magpakita si Raffy ng interes kay Lexy. Tinatawagan niya ang dalagita at kung anu-anong message ang pinapadala sa text hanggang sa mabola niya at magkagusto na rin sa kanya si Lexy. Mahigpit na bilin ni Raffy kay Lexy na ilihim ang kanilang relasyon at huwag sasabihin sa iba.

Nag-umpisa na ang manyak na titser na gawin ang gusto sa pobreng estudyante. Noong unang beses ay hinalikan lang niya sa likod at batok si Lexy pero pagkatapos ay ipinasok na niya sa blusa ang kamay at hinipuan ang dibdib nito. Nang sumunod na linggo ay dinala na niya ang dalagita sa motel. Kinaladkad sa kama at sapilitang hinalikan sa bibig, leeg at didbib hanggang mapagtagumpa­yang makuha ang pagkababae nito. Niyakap at nilambing ni Raffy si Lexy para maulit ang pagtatalik nila pero ayaw na nito. Nagalit si Raffy at tinakot si Lexy na hihiwalayan. Kaya para lang masunod ang kapritso ng lalaki ay puma­yag si Lexy na muli silang nagtalik.                            (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with