^

PSN Opinyon

‘Yellow media’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

IISA lang ang pagkakakilanlan ng mga yellow media­. Simpleng isyu ginagawang kumplikado.

Nag-aanalisa base sa sarili nilang disposisyon o bias, kathang-isip at kasinungalingan. Minanipula ang isipan ng tao depende kung saan sila naka-align. Sa maikling salita, mental conditioning.

Parehong biktima ng yellow press sina Pres. Rody Duterte at incoming US President-elect Donald Trump. Kinuyog habang kasagsagan ng kampanya para sa elek­syon. Hindi sila matanggap ng yellow media.

Noong umpisa, kulelat sa survey ang mamang taga-Davao. Nang tumataas na, mismong si dating Pres. Noy Aquino pa ang personal na nangampanya. Huwag iboto ang dating mayor. Ganito rin ang nangyari sa pambato ng Republican.

Sa mga pre-election polls, laging si Democrat Presidential bet Hillary Clinton ang nangunguna. Puro mga baho at paninira naman ang ipinupukol kay Trump.

Tulad ni Aquino, naglibot din si outgoing US Pres. Barack Obama. Sinabing hindi karapat-dapat si Trump sa White House.

Malaking sampal sa parehong nakaraang administrasyon ng Pilipinas at Amerika ang pagkapanalo ni Duterte at Trump. Dalawang lider, parehong unorthodox, unconventional at out of the box. Ngayong nanalo at nakaupo na bilang mga bagong presidente ang dalawa, sige pa rin sa banat ang mga yellow media.

Kung sa kanilang mga balita pa lang hindi na sila mapagkakatiwalaan, paano pa kaya sa kanilang mga pag-aanalisa?     

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

DONALD TRUMPH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with