^

PSN Opinyon

“Si Makoy”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

NABASA KO ANG LIHAM ng isang nagngangalang Alvin D. Campomanes na gumanap sa isang teleserye ng ABS-CBN ang FOREVERMORE na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina.

Sinimulan niya ang kanyang liham sa pagpapakilala at litanya kung sino siya.

I am Alvin D. Campomanes, a historian and educator. I am a pro­duct of Paref Southridge School and the University of the Philippines (UP), where I graduated cum laude in 2008…

Bravo! Ang lahat ng ito ay hinubad mo nang piniliin mo na maging EXTRA.

Marahil ikaw pa nga ay isang ‘movie fan’ gaya ng iyong girlfriend na merong ‘travel agency’ at gumanap muna bilang ‘crowd extra’ at nagkaron na ng linya bilang si Celia. Ikaw naman si Makoy.

Tinanggap mo ang pagiging ‘extra’ subalit ang dami mo nang hinihingi. You expected na ipakilala ka pa ng talent recruiter sa director gayung hindi ganun ang kalakaran sa mundo ng pelikula.

Dagdag mo pa kumakain ang ibang artista kasama ang direktor sa isang tent at hindi man lang kayo tiningnan. Wow Makoy, dun ka ba dapat pumuwesto?

Isipin mo Makoy, kapag ikaw ay hindi marunong magmaneho ng kotse ano ang maaaring mangyari sa iyo? Mababangga ka? Makakabangga ka? Makasagasa ka ng tao? Mahuli ng MMDA o LTO at makotongan na may kasama rin bulyaw?

Binanggit mo ang mga pangalan gaya nila Luz Fernandez, Joe Gruta, Liza Soberano, Joey Marquez, Irma Adlawan at nagrereklamo ka kung bakit hindi ganun ang trato sa iyo. Merong diskriminasyon sa leading lady (Liza Soberano) at mga veteran actors na may napatunayan na.

Marahil matalino ka nga sa Academic pero bagito ka pa lang pilit mo nang inihahanay ang sarili mo sa mga pangalan ng mga artistang ito. Hindi kaya masyadong mataas ang hinihingi mo para sa papel na ginagampanan mo?

Tama ka masama ang magmura! Hindi tama yun. Bakit hindi mo piniling kaladkarin si Cathy Molina at dalhin sa ‘Bar of Justice’ diba yan ang hinihingi mo? I want Justice!

Baka naman alam mong sa Prosecutor’s Office o sa ating Korte ang tanging bagsak nito ay Slight Oral Defamation at ang nakapataw na parusa dito ay multa ng DALAWANG DAANG PISO. Oo Makoy yun lang. Mas mahal pa ang pinamasahihan sa iyo at sa girlfriend mo, binayad sa hotel at ang pagkaing kinain ninyo!

Teka, masyado yatang maliit yan. Ganun? Alam mo ba rin Makoy na merong desisyon ang pinakamataas ng korte sa ating bansa, Ang Korte Suprema sa Reyes vs People of the Philippines, 14  we ruled that the expression “putang ina mo” is a common enough utterance in the dialect that is often employed, not really to slander but rather to express anger or displeasure. In fact, more often, it is just an expletive that punctuates one’s expression of profanity. We do not find it seriously insulting that after a previous incident involving his father, a drunk Rogelio Pader on seeing Atty. Escolango would utter words expressing anger. Obviously, the intention was to show his feelings of resentment and not necessarily to insult the latter. Being a candidate running for vice mayor, occasional gestures and words of disapproval or dislike of his person are not uncommon.

Aba, ganun naman pala. Eh di pwede pa lang sabihin ‘PUTANG INANG MUNDO ITONG NAPASUKAN MO!

Nagreklamo kang tumagal ang shooting gayung ang papel mo lamang ay magpapaalam ka sa iyong asawa at mga anak dahil pupunta ka sa ibang bansa.

Ito’y nagpapakita na di ka talaga sanay sa pinasukan mong mundo kung saan ang mga extra ay handang maghintay ng maghapon ng hindi nasisilayan ng lente ng kamera. Siguro alam yan ng girlfriend mo dahil nagsimula siyang ‘crowd extra’.

Hindi ako abogado subalit sa lampas ng dalawang dekada ko sa aking trabaho ng pagiging mamahayag, nagsusulat ng krimen at lumulutas din, nakikipagtagisan sa mga kriminal, ang isang ‘legal tenet’ sa usapin sa korte ay, ’the undue delay in the filing of the case considerably weakens it and gives rise to suspicions and speculations on the motive of the complainant’.

Bakit naghintay kayo ng ganun katagal at hindi kayo sumulat ng follow-up letter kay Cory Vidanes dahil ang alam nila inayos na raw ng talent coordinator ng isang agency na tunay na may hawak sa iyo? Eh di sana sinagot kayo gaya ng pagsagot sa iyong email at pinagharap kayo kasi hindi ka pa pala napaliwanagan.

Yung mga paliwanag ninyo na ayaw ninyong ilabas ito at hinintay na matapos ang pelikulang ‘A SECOND CHANCE’ para isiping hindi parte ng promotions ng pelikula ni Cathy Molina, hindi kaya you are putting a high premium sa iyong reklamo na sa palagay mo makakatulong sa pelikulang ito? Tumabo na nga at kumita at tatabo talaga yun at hindi nila kailangan ang reklamo mo para ma-promote ito!

Tama ba ang pagkaka-intindi ko na kaya mong palitan o simulang palitan ang kultura ng Pelikulang Pilipino matapos makaganap ka bilang ‘extra’ na si Makoy? Isang kultura na andyan na bago ka ipinanganak at mananatili dahil isang Alvin D. Campomanes ay nabastos sa set ng pala murang director na si Cathy Molina?

Hindi ko na sana papatulan ang isyung ito subalit ng makita ko kung paano nagpakumbaba si Cathy sa harap ni Boy Abunda at milyong nanonood sa telebisyon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo lalo na’t pati mga anak niya ay nadamay na, tawagin siyang satanas, pati buhay niya ay hinangad na mabanatan ng ‘riding-in-tandem’, trenta mil lang daw ang katapat ng ulo niya, sinabi ko sa sarili ko ibigay ko naman kaya ang aking munting opinyon sa usaping ito.

Ikaw Makoy, nung naglalabasan ang mga masasamang sinasabi ng mga Netizens sa IG, Facebook, Twitter, bilang edukadong tao gaya ng mga binanggit mo sa iyong liham, sumagi ba sa isipin mong maglabas ng komento at awatin ang mga taong lumalampas na sa sukatan kung ano ang tama at ano ang nakakasakit?

Si Cathy Garcia-Molina ay palamura! Hindi ikaw ang minumura dahil Makoy ang tawag niya sa iyo. Ang ibig sabihin nito maaaring sinuman extra na gumaganap bilang Makoy ay sasailalim sa ganung pagmaltrato at hindi sa iyong persona kung mali ang iyong kinikilos. Marahil dala na rin ng ‘pressure’ at hirap ng trabahong naka-atang sa balikat niya para matapos at mapiga ang gusto niya at masabi niyang nakagawa ng isang magandang teleserye.

Para hilingin mo na sibakin si Cathy Molina ng ABS-CBN hindi para ikaw ang magdikta niyan o ang pitak na ito ang gumawa niyan. Meron silang Ombudsman at panel na nadedesisyon nito.

Maganda rin nagtapos ang liham ng iyong girlfriend na sana dumating ang panahon na kayo’y magkitang muli ni Cathy Molina at magkapatawaran.

PARA SA ANUMANG REAKSYON maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ALVIN D

ANG

CATHY MOLINA

HINDI

LEFT

MAKOY

MGA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with