^

PSN Opinyon

Hindi mapakali si Janet Tauro

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IPINAUUBAYA ko ngayon ang aking kolum para sa makabuluhang artikulo ng ating dating reporter na si Janet Tauro na ngayo’y namimirmihan ng sa New Zealand.

Wala na ako sa Pilipinas at kapapanumpa  lang  sa bandila ng New Zealand nang mabigyan kami ng citizenship. Hindi na ako nagtuturo ng Filipino dahil hindi na ako Chair ng Filipino Department ng De La Salle University sa Manila.

Masaya ako sa trabaho ko bilang case manager sa Ministry of Social Development dito. Subalit nang malaman ko na hindi na ituturo ang Filipino bilang asignaturang may mataas na antas sa kolehiyo at matatanggal na ang departamentong pinakamamahal ko ay bumigat ang aking kalooban. Sa gitna na mga seryosong usapin sa Pilipinas tulad ng pork barrel, higit na nakababalisa sa akin ay ang isyu sa ating wika.

Katatapos lang ipagdiwang ang Linggo ng Wikang Maori dito sa Aotearoa, New Zealand. Ipinagbawal dati ang paggamit ng Maori sa mga paaralan dito. Ayon sa mga matatandang Maori tulad ni  Sir James Henare, pinaparusahan sila  kapag nagsasalita sa wikang Maori. Ang sabi raw sa kanila  “English is the bread-and-butter language, and if you want to earn your bread and butter you must speak English.”

Ngunit kalaunan ay napagtanto nila na ito’y  mali. Sa lahat ng bansa, ilang beses nang napatunayan na ang wika at pagkakakilanlan ay mahalaga hindi lang ng ating tagumpay kundi ng  ating pagkatao. Ito ay usapin din ng ating pagiging Filipino, dahil sa lenguwahe nakikita ang pakakakilanlan ng Pilipino.

Dito sa Nelson, nagkaroon ng programa ang Nelson Tasman Filipino Community Inc.  Itinuturo sa mga batang Filipino hindi lamang ang wika kundi pati mga awiting Filipino. Pero natigil ito hindi dahil sa wala nang magtuturo. Gayunman, ang mga magulang ang matiyagang nagtuturo ngayon sa kanilang mga anak ng wika. Pinapahalagahan ng mga Pilipino rito ang sariling wika at kultura.

Nakapanlulumo ang kawalan ng malasakit ng gobyerno at  ng mga unibersidad sa ating wika. Parang ito ang ibig kong isumbat at ipagsigawan sa kanilang mga mukha.

Sa mga mistulang kumikitil sa ating wika, ito ang aking masasabi: Sa wikang Filipino ko isinusulat ang aking buhay. Ang Filipino ay ako, ako ay Filipino. At sino ang pinapatay mo  hindi ang wika ko kundi ako.

vuukle comment

AKO

ANG FILIPINO

DE LA SALLE UNIVERSITY

FILIPINO

FILIPINO DEPARTMENT

NEW ZEALAND

WIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with