^

PSN Opinyon

‘Si Amazing Kap!’ (huling bahagi)

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS lumuwas sa Maynila kasama ang kaibigan… sa isang ‘hotel’ umano siya dinala nitong si Kapitan.

Nung Miyerkules isinulat namin ang reklamo ng noo’y 16 anyos  na si “Trish” (di tunay na pangalan) 19 na ngayon laban sa kapitan na si Allan Hizole.

Sa pagpapatuloy ng salaysay ni Trish sa PNP-Boac: Pagkatapos ng graduation lumuwas siya ng Maynila kasama si Juvie at nagkita sila ni Kapitan  na noo’y may seminar. “Pinakain po kami ni kapitan at yung kaibigan ko po ay may pinuntahan at kami po ni kapitan ang naiwan. At ako ay dinala niya sa isang hotel at doon ay may nangyari sa amin,” laman ng salaysay.

Hindi naman daw siya pinilit ni Kapitan. Dito kumalat na raw ang tsismis tungkol sa kanila pag-uwi niya sa Marinduque.

Naulit umano ang pagpunta nila ni Kap sa Hotel, mga dalawang beses at binibigyan daw siya nito ng pera. Nung huli nagpunta raw sila sa Lucky Seven sa ‘rooftop’ nung Disyembre 11, 2012… 10:00AM at may nangyari umano ulit sa kanila. “Yung ganun nga, nag-sex ulit kami,” salaysay ni Trish sa pulis.

Dinetalye sa’min ni Trish ang umano’y nangyari. Kwento niya, ele­mentarya pa lang lagi na siyang binabati ni Kap, kapitbahay lang din nila. “Naging tatay ko pa siya sa JS hiwalay na kasi nun  sila Nanay at Tatay,” sabi ni Trish.

Oktubre 2012, sumali sa ‘street dancing’ si Trish. Madalas sa tapat ng bahay ni Kap Allan sila nagpapraktis. Isang araw,  tinanong daw nito ang numero niya. ‘Di raw niya binigay subalit kinabukasan nagtext daw ito.

Diretsong tanong daw ni Trish sa text, “Bkt k b ngttxt skn my aswa k n. Bta p q ngaarl aq.”. Reply naman umano nito, “Mtgl n ktng gus2.”

Niloloadan daw siya ni Kap kaya’t naoobliga siyang magreply. “Sabi niya sa akin mahal daw niya ko. Reply ko naman sa kanya, “Weh?!” sabi ni Trish.

Pagkatapos grumaduate tinext daw siya ni Kapitan na noo’y nasa Maynila at  pinasunod siya. Binigyan daw siya nito ng Php1,000 pamasahe.

“Nagsabay kami ni Juvie dun ako sa kanila sa Sampaloc,” ani Trish.

Abril 10, 2012, nakarating sila ng Maynila. Agad daw silang nagkita ni Kap sa SM Sta. Mesa. Sinamahan daw siya ng kaibigan dito.

Nilibre sila sa Jollibee. Pagkatapos kumain iniwan siya ni Juvie at nag-ikot sa mall. “ ‘May pupuntahan tayo!” pag-aya raw ng kapitan.

Sinakay siya nito sa taxi, ilang minuto lumiko ito sa gusali na kulay pula at dilaw. Pumasok daw sila sa kwarto. “Kinabahan po ako. Umupo lang ako sa gilid ng kama. Tanong ko, ‘Bakit nandito tayo?’ Hindi siya sumagot pinaghahalikan na niya ko. ‘Di na ako nakapalag,” kwento ni Trish.

Tatlong oras daw sila dun. Dalawang beses umano siyang ginamit. Matapos nito binigyan daw siya ng pera ni Kap pang-allowance at naghiwalay na sila.

Mula nun nawalan na ng komunikasyon si Trish kay Kap. Hindi na daw ito nag-text. Pumunta sa Pasay si Trish at nag-alaga ng anak ng boarder ng pinsan.

Oktubre 2012, nag-text daw ulit si Kap Allan at sinabing nagseseminar siya ulit sa Maynila. Nagkita raw ulit sila sa SM, MOA bandang 10:00AM. Gaya ng dati pinakain ulit siya sa Jollibee at saka sinakay sa taxi.

“Sa unang motel na madadaanan sa SM MOA dun kami,” ani Trish.

Dalawang beses umano sila nagtalik. Binigyan daw siya ulit nito ng pera.

Habang nasa Maynila siya kumalat ang balitang may relasyon sila ni Kap. Nakatanggap din daw siya ng mga bastos na texts galing sa iba’t ibang numero.

Pag-uwi niya ng Marinduque, kinumpronta umano siya ng misis ni Kap Allan tungkol dito. Kinausap daw siya ni Kap at sinabi daw nitong aayusin niya ang lahat. Disyembre 11, 2012 nagkita daw silang muli sa Lucky Seven para mag-usap subalit may nangyari umano ulit.            

Nang malamam ito ng ina ni Trish na si Alice dahil menor de edad ang anak agad daw niyang dinala sa pulis ang Trish para kasuhan ang kapitan.

PARA SA PATAS NA PAMAMAHAYAG, base naman sa Sinumpaang Kontra-Salaysay na ibinigay ng kapitan sa Ombudsman para sa kasong  Qualified Seduction: wala raw basehan ang reklamo. Limang taon na siyang punong barangay at ngayon lang siya nasampahan ng kaso. “Kailan man ‘di kami nagkaroon ng relasyon ng anak ni Alicia Marcaida”-laman ng salaysay.

Patunay daw nito ang sulat kamay na ginawa ni Trish nung Marso 19, 2013 na ipinaabot lang ng traysikel drayber.  Ayon sa kapitbahay kinukulong at lagi daw sinasaktan ng kanyang magulang si Trish. Madalas daw magreklamo si Trish tungkol dito. Ginagamit lang daw ni Alice ang kanyang anak para masuspende at maalis siya bilang kapitan. Ang salaysay ni Alice ay Hearsay lang daw dahil walang nagbigay ng sinumpaang salaysay para patunayan ang kwento ni Trish.

May sulat kamay daw si Trish na sinasabing pinipilit at pinwersa lang siya ng ina. Bakit hindi daw pumayag ang kanyang anak na magpamedikal nung una at nanahimik muna sila? Kung titignan din daw ang medico legal certificate ni Trish mapapansin ang nakalagay na “patient refused to be examined” na burado. ‘Di kaya pinilit lang daw si Trish?

Hindi daw siya ang nakatalik ni Trish at ‘di raw siya ang nakauna dito dahil wala daw silang relasyon. ‘Di rin daw siya malapit kay Prosec. Bimbo Mercado.

Sa ngayon wala pa ring pagdinig sa kasong sinampa nila Alice sa Ombudsman kaya’t nagpunta sila sa amin. Itinampok namin sila sa CALVENTO FILES sa radyo. “HUSTISYA PARA SA LAHAT”DWIZ882KHZ (Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung totoo mang nagkaroon ng relasyon itong kapitan at si Trish, walang pilitan na nangyari? Dahil itong si Trish ay 16 anyos nun… bata at itong si Allan ay halos 50 anyos  at punong barangay pa ng kanilang lugar, kung totoo lahat ng kwento sa amin ng biktima… inuto-uto siya nitong kapitan para makuha ang kanyang pagkababae ito’y nasaksaklaw sa ating Revised Penal Code Art. 337 na Qualified Seduction.  Ang Qualified Seduction ay kapag ang isang babae na wala pang karanasan sa sex (birhen) ay ginalaw ng isang taong may katungkulan o sinomang tao na ginamit ang kanyang pwesto at kapangyarihan para maisakatuparan ang kanyang pagnanasa sa isang babae na lampas 12 taon gulang pero wala pang 18 anyos kahit na napapayag niya ang kanyang biktima ay maaaring maparusahan ng prision correccional subalit isang baitang na mas mabigat sa parusa ng isang simpleng ‘seduction’.

Ang depensa ni Amazing Kap ay wala silang relasyon. Ito’y malinaw na alibi na kung titignan mo ay isang mahinang depensa sa tapat ng isang positibong deklarasyon ng isang babae. Maliban sa kinaso nila sa Ombudsman, maari rin silang mag-file pa ng kasong Qualified Seduction sa Prosecutors Office kung saan nangyari ang krimen. Dahil naganap daw ito nung una sa Sta. Mesa at ang pangalawa ay sa Pasay, niferer namin sila sa Public Attorney’s Office Manila at Pasay. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th flr CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Magtext sa 09213263166, 09198972854. Landline 6387285/7104038.

 

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

DAW

ISANG

KAP

KAPITAN

MAYNILA

SILA

SIYA

TRISH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with