^

PSN Opinyon

Delfin Lee et al, i-freeze ang assets

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

NAWALA na ang grupo ng mga mandarambong at mga pugante sa pangunguna ni Globe Asiatique chairman Delfin Lee, anak nitong si Dexter, Chiristina Sagun, Cristina Salagan at Atty. Alex Alvarez matapos silang labasan ng warrant of arrest sa kasong syndicated estafa para makalaboso.

Sabi nga, no bail!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para hindi makagalaw ang mga pugante dapat gisingin ang gobierno para ipa-freeze ang asset ng mga mandarambong para hindi sila maka- move on kung binabantayan ng pamahalaan ang kanilang mga ari-arian at pera sa bangko.

Hindi kasi basta lalabas ang mga mandarambong sa kani-kanilang lungga lalo’t ‘no bail’ ang kaso nilang lima at kung may ‘reward money’ na ibibigay ang mga bright sa pamahalaan na makakapagturo sa kanila.

Sabi nga, ‘dead or alive.’ Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat lang na pagdusahan ng mga pugante ang kanilang mga kasalanan dahil sangtambak na madlang people ang kanilang ginuyo at ginago pa nila ang gobierno.

Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahihirapan ang PNP at NBI na mahuli pa ang mga mandarambong dahil kaya nilang magtago kahit saan sa dami ng mga nakulimbat nilang salapi mula sa mga maliliit na madlang people na umutang para makabili ng kanilang mga unit sa itinayong bahay dyan sa Pampanga.

Sabi nga, double sale!

Ang pinakamainam gawin ng gobierno ay madaliin nila ang proseso para maipa-freeze ang lahat ng mga asset ng mga mandarambong upang sa ganoon ay hindi sila makagalaw.

Sabi nga, maging bato!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na dapat magpatumpik-tumpik pa ang mga pa bright-bright maglaan na agad ng ‘reward money’ para mahuli sa lalong madaling panahon ang mga ito dahil tiyak ihuhulog sila kahit ng kanilang mga kaibigan o kamag-anak at gaganahan pa ang mga kaaway at mga ginago na hanapin sila kahit nasaan lungga ang mga ito nagtatago.

Sabi ng mga asset mg mga kuwago ng ORA MISMO sa ginawa nilang panggagantso sa mga maliliit na madlang people na winalanghiya ng mga ito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, habang maraming pera sina Delfin at mga kabig nitong mga pugante ay kayang-kaya nitong iparitoke ang kanilang mga mukha para hindi sila makilala at mapagtaguan ang batas sa Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may posibilidad rin nakalabas ang mga pugante ng Philippines my Philippines at napunta sa aboard este mali abroad pala dahil kaya nilang magpagawa ng ibang passport gamit ang ibang pangalan.

Paano?

Sagot - may salapi silang pantapal kahit libong passport pa ang gusto nila.

Ang mga authorities sa Philippines my Philippines may masabi lang sa madlang people ay mabilis pa sa alas kuatro nagpa - praise release na paiigtingin nila ang paghahanap sa mga mandarambong pero teka nga nahuli na ba nila si Major General Palparan?

Kung si Palparan na walang pera ay nahihirapan hanapin ng mga autoridad ito pang lima na billion of pesos ang pera nakamkam.

Abangan.

vuukle comment

ALEX ALVAREZ

ASSET

AYON

CHIRISTINA SAGUN

CRISTINA SALAGAN

DELFIN LEE

GLOBE ASIATIQUE

PARA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with