^

PSN Opinyon

Himala sa LTFRB: Patay na prankisa binuhay muli

SAPOL - Jarius Bondoc - The Philippine Star

TATLONG miyembro and bumubuo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Sa ngayon ito’y sina chairman James Jacob, at members Samuel Garcia at Manuel Iway. Nasa ilalim sila ni Secretary of Transportation and Communication Mar Roxas.

 Kamakailan, sinabon sila ni Roxas, at sinuspindi ang 489 prankisa na ipinagkaloob nila sa Victory Liner, ang pinaka-malaking kumpanya ng bus. Maanomalya raw kasi ito, dahil ang mga prankisa ay expired na dating hawak ng nagsarang Pantranco Bus Co. Binansagan ni Roxas na “Lazarus franchises” ang mga ito. Matagal na kasing tinuturing ng LTFRB na patay na ang mga prankisa, tapos biglang binuhay kamakailan. Sina Garcia at Iway lang ang pumirma; pumalag at nagsumbong sa nakatataas si Jacob.

Pumapapel umano si Iway na malapit kay Roxas. Edad-70 na itong abogado sa Cebu, at napapabalitang nagbabalak kumandidato na kongresista ng Negros Oriental. Aniya ang pagbigay ng 489 expired na prankisa ng Pantranco sa Victory ay pagsunod lamang sa hatol ng National Labor Relations Commission. Nang magsara kasi ang Pantranco, naghabol ang mga empleyado nito ng hindi nabayarang sahod at benepisyo. Dahil sarado na ang kumpanya, ang ibinigay sa kanilang kabayaran ay ang mga prankisa. Siya naman nila ito ibinenta sa Victory, upang paghatian ang kabayaran. Ani Iway, ginaya lang daw nila ang naunang desisyon sa expired franchises ng Batangas-Laguna-Tayabas Bus Co., na inilipat rin sa ibang bus line nang magsara ito.

 “Malaya kayo bumuo ng sariling opinyon,” ani Roxas sa LTFRB, “Pero hindi ninyo maari baguhin ang facts.”   At ito’y patay na nga ang prankisa. Kung magbubukas ng bago, dapat dumaan sa hearings.

* * *

 Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail:[email protected]

vuukle comment

ANI IWAY

BATANGAS-LAGUNA-TAYABAS BUS CO

IWAY

JAMES JACOB

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MANUEL IWAY

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION

NEGROS ORIENTAL

PANTRANCO

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with