^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pulis na naman!

-

WALANG ibang sumisira sa Philippine National Police (PNP) kundi ang mga miyembro na rin nito. Grabe na ang nangyayari sa PNP na tila hindi na kayang kontrolin ng hepe nito. Matitindi ang mga akusasyon sa mga miyembro ng PNP at kung hindi magkakaroon ng reporma sa naturang organisasyon, maaaring bumagsak na lamang ito. Hindi na sila pagtitiwalaan ng taumbayan. Matutulad sila sa asin na nawalan ng lasa at tatapak-tapakan na lamang. Kakahiya ang mga naglalabasang akusasyon at paratang sa mga pulis --- mapataas man ng ranggo at maski ang mababa man. Pare-pareho silang sumisira sa haligi ng PNP na hindi magtatagal at maaaring bumagsak.

Nakakahiya ang mapagbintangang tumatanggap ng pera mula sa jueteng. Inaakusahan ang mga mataas na opisyal ng PNP na tumatanggap nang malaking halaga bilang jueteng payola. Kaya naman pala hindi mahinto ang illegal na sugal ay sapagkat tinapalan ng pera ang mga police general. Kakahiya sila!

Noong Sabado, isang pamilya sa Sta. Ana, Manila ang “inakyat bahay” ng dalawang pulis Maynila. Ang dalawang pulis ay may mga ranggong PO1 at PO3. Ayon sa may-ari ng bahay, biglang pumasok ang mga pulis at may hinahanap na mga lalaki. Nakatutok ang baril sa kanila. Ikinulong ang pamilya sa comfort room. Hinalughog ang bahay at lahat nang mahahalagang bagay ay tinangay --- pati diaper, Urna na may lamang abo ng namatay at pati alagang aso. Ninakaw din ang dalawang mamahaling relo at mga alahas. Pati ang chocolates sa refrigerator ay kinuha rin.

Nang ireport nila sa malapit na police station, shock sila sapagkat naka-duty ang pulis na nag-akyat bahay sa kanila. Ang isa pang pulis ay nagtatago na umano. Nakakahiya!

Kamakailan, sinampahan na ng kaso ang tatlong pulis na pumatay sa isang businesswoman. Isa sa mga pulis ay dating may mataas na ranggo. Pagkatapos patayin ang babae, inilibing nila sa isang poso negro na nasa abandonadong warehouse. Kakahiya ang ginawa ng mga pulis.

Kanino pa lalapit ang mamamayan para humingi ng tulong? Paano pa pagtitiwalaan ang mga pulis na sa halip na protektahan ang mamamayan ay sila pa ng sumasalakay. Kawawa naman ang mga mabubuting pulis na nadadamay dahil sa ginagawa ng kanilang kapwa pulis.

vuukle comment

AYON

GRABE

HINALUGHOG

IKINULONG

KAKAHIYA

NAKAKAHIYA

NOONG SABADO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with