^

PSN Opinyon

Pagbawal sa plastic, styrofoam, synthetic

SAPOL - Jarius Bondoc -

PARAMI nang parami ang mga lungsod at probinsiyang nagbabawal ng plastic bag. Sa Quezon City, Las Piñas, Muntinlupa, Antipolo, Calamba, Calapan, buong Albay, Nueva Ecija, at Subic Bay Metropolitan Authority, hindi pinapayagan ang mga tindera sa palengke na ilagay ang ibinenta sa plastic bags. Sa ilan sa kanila, pati styrofoam boxes ay binabawal din sa mga kantina, at iba pang synthetic containers ng paninda.

At madadagdagan pa ang bilang nila. Nababatid kasi ng mga pinuno ng mga pamahalaang lokal na masama sa kalikasan ang plastic, styrofoam at synthetic containers. Non-biodegradable ang mga ito. Ibig sabihin, miski 50 taon na, hindi pa rin malulusaw o mabubulok kapag itinapon o ibinaon sa lupa. Nakakalason lang ito ng lupa at sahig ng dagat. Nauudlot ang paglaki ng pananim, nakamamatay kapag nalulon ng isda at sumasakal sa shellfish, at nakakarumi sa kalye. (Sa Pacific Ocean may lumulutang na malaking “continent” ng basurang plastic.)

Nagdudulot din ng baha ang plastic, styrofoam at synthetic containers. Dahil nga hindi nalulusaw, bu-mabara ito sa mga kanal at estero.

Bukod dito, merong mga nakalalasong kemikal na kalakip sa plastics, styrofoam at synthetic containers. Ito ang mga pangkulay, pampalambot o pampatigas, o pantanggal ng amoy.

Sa halip na plastic bags, natututo ang mga mamimili na bumalik sa pagdadala ng mga basket at bayong na gawa sa halaman: buri, nipa, atbp. Ang pagkain ay sa

 paper polate o supot si-ni­silid. Napakainam nito dahil nagkaka-handicrafts ang mga taga-kanayunan. Sumisigla pa ang kapaligiran. At naiiwasan ang sakit.

* * *

Makinig sa Sapol, Saba­do, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ALBAY

BUKOD

CALAMBA

LAS PI

NUEVA ECIJA

SA PACIFIC OCEAN

SA QUEZON CITY

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with