^

PSN Opinyon

Ang 'Tsismis'

- Al G. Pedroche -

MAY kawikaan sa Biblia na nagsasabing ang dila ay tulad sa ningas ng apoy na puwedeng makasunog sa isang buong kagubatan.

Totoo. Ang isang mapanirang salita laban sa kanino man ay madaling kumalat at nadaragdagan pa habang naipapasa ang tsismis sa ibang tao.

Kaya naman may karampatang parusa sa ilalim ng batas ang pagiging tsismoso at tsismosa pero napakaliit at halos hindi iindain ng naninirang-puri. Kaya may inilalarga nang panukalang batas sa Senado para itaas ang multa sa mga mapanirang tsismis sa P50,000. Tingin ko’y maliit pa rin kumpara sa danyos na pwedeng likhain ng tsismis. Maraming pagsasama ng mag-asawa ang nawasak dahil sa tisismis. Marami na rin ang nagpatayan dahil sa tsismis. Kaya ang krimen na ito ay hindi matatawag na maliit.     

Gusto ng ilang Senador na susugan ang Article 364     o “Intriguing Against Honor” ng Revised Penal Code upang maitaas sa P50,000 ang multa sa nasabing krimen o parusang  pagkakulong nang hindi bababa sa anim na buwan hanggang anim na taon.

Sa kasalukuyan, ang multa sa krimeng ito ay kasalukuyan P200 lamang at pagkabilanggo na mula isa hanggang 30 araw ani Sen. Loren Legarda na siyang pangunahing awtor ng bill.

Marahil nga, kung magkakaroon ng mabigat na parusa sa krimeng ito ay marami na ang taong mag-rer­enda ng kanilang dila. Pati mga manunulat ay mag-iingat na rin sa kanilang mga isinusulat lalu pa’t walang matibay na pinagbabasehan.

Bagong taon na kaya magbago na nang ugali. Palibhasa masarap magtsismis. Likas yata sa tao ang ugaling iyan. Pero kapag sila ang nasasagasaan ng negatibong  balita ay nag-aalboruto.

Stick na lang tayo sa “golden rule.” Wag mong gawin sa iyong kapwa ang mga bagay na ayaw mong gawin sa iyo.

* * *

Well, Happy New Year na lang sa lahat at sana’y tamasahin natin ang kapuspusan ng pagpapala ng Diyos.

vuukle comment

BIBLIA

DIYOS

HAPPY NEW YEAR

INTRIGUING AGAINST HONOR

KAYA

LIKAS

LOREN LEGARDA

MARAHIL

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with