^

Madalas magkasipon at trangkaso

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. () - September 25, 2011 - 12:00am

Dr. Elicaño, ano po kaya ang dahilan at mabilis akong mahawahan ng sipon at trangkaso? Ako po ay 30-anyos at teller sa isang banko. Madalas tuloy akong absent dahil sa pagkakaroon ng trangkaso. Ano po ang mabuting gawin? Salamat po.

Charmaigne Lagsac, J.P. Rizal, Makati City

Ang sipon at trangkaso ay viral infection kaya madaling maipasa. Sa nature ng trabaho na teller sa banko, talagang madali kang makakakuha ng sakit. Ang pag-ubo at pagbahin ay isa sa mga paraan para maikalat ang virus. Ang mucus sa ilong at lalamunan ng mga taong may sipon at trangkaso ay maraming virus at kapag bumahin o umubo ay lumalabas ito. Maaaring maka-survive ang viruses sa loob ng ilang oras. Maaaring nakakapit ito sa doorknobs o telepono na ginamit ng may sipon o trangkaso. 

Ang sipon at trangkaso ay pinalulubha ng stress, exhaustion, chronic sickness o depression. Ang mga taong may sipon ay madali rin namang magkaroon ng iba pang bacterial infections na katulad ng bronchitis, earache at sinusitis. Kumunsulta sa doktor kapag nakaranas ng mga sumusunod: Nahihirapan sa pag-ubo at paghinga, problema ang paglulon ng pagkain, kapag ang dalawang taynga ay masakit, kapag may nakitang dugo sa plema at kapag mataas ang temperature ng katawan na tumatagal ng 48 oras. 

Ugaliing maghugas ng kamay. Sabuning mabuti ang mga kamay lalo pa kung may mga kasama sa bahay o opisina na mayroong sipon at trangkaso.

Kumain nang maraming citrus fruits, gulay at pagkaing mayaman sa zinc para malabanan ang sipon at trangkaso. Pinalalakas ng mga pagkaing ito ang immune system. Ang chicken soup ay mahusay din sa mga taong may sipon sapagkat ito ay mayaman sa protein, calories at minerals.

ANO CHARMAIGNE LAGSAC DR. ELICA KUMAIN KUMUNSULTA MAAARING MAKATI CITY SIPON TRANGKASO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with