^

PSN Opinyon

Walk the talk

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

PINURI si P-Noy nang tinagurian niyang Priority Measure ng kanyang administrasyon ang RH Bill. Pangako sa kampanya, pangakong tinupad. Hindi pala katulad ng ibang pulitiko itong si P-Noy. May isang salita.

So ba’t nagkaganoon sa Freedom of Information (FOI) Bill???Kung mayroon siyang pinagmalaking haligi ng kanyang programang pang-administrasyon, ito’y ang panukalang batas sa FOI. Tingnan ang tema ng kanyang kampanya: “daang matuwid”. Wala nang mas epektibong paraan upang magarantiyahan ang matuwid na daan kaysa kumpletong transparency at accountability sa lahat ng antas ng pamamahala.??

Sunshine is the best disinfectant. Sinagan mo ng liwanag ang mga proseso ng gobyerno at tiyak maba­bawasan ang kalokohang nakasanayan ng mga kumikilos sa dilim. Alam ito ni P-Noy – tatlong term siya sa Kongreso at isa sa Senado. Kaya hindi nagdalawang isip na suportahan ang panukalang FOI noong ito’y nakikiusap para iboto.??

At bakit nga naman hindi? Sa mga opisyal na akto, hindi maitatatwa ang pakinabang ng FOI upang masiguro na naging patas ang lahat. Para naman sa mga akto na pinaplano pa lamang, ang pagkaroon ng access sa impormasyon ay magsisilbing insentibo upang gawin ng maayos ang trabaho. Sa panahon ni GMA, sagad sa buto ang pangangailangan ng isang FOI bill. Mismong ang Kongreso noon ay hindi makapuntos na makalakap ng impormasyon dahil sinasangga ng Palasyo at ng Mataas na Hukuman gamit ang executive privilege ang karapatan ng publiko sa impormasyon.??

Sa kabila ng lahat ay nagdadalawang isip ngayon si P-Noy na itulak ang FOI. Hinay-hinay lang daw muna ani Sec. Ricky Carandang dahil may sensitibong interes din ang estado na hindi lang bastang maaring ipaalam sa publiko. Ewan ko sa inyo subalit sa pakiwari ko’y xerox copy ito ng pa­ngangatwiran ng nakaraang administrasyon tuwing papalag sila sa panawagang magtapat sa publiko.

Sa pagsuporta ni P-Noy sa FOI nung kampanya, nagdeklara siya na sa kanya’y mas matimbang ang karapatan ng publikong malaman ang katotohanan kaysa interes ng pamahalaan na ilihim ang mga maselang impormasyon na pinagbabatayan ng kanilang official action. Tulad ng pangako sa RH Bill, panahon na Sir na pangatawanan ang pangakong binitiwan.

vuukle comment

ALAM

EWAN

FOI

FREEDOM OF INFORMATION

HINAY

KONGRESO

P-NOY

PRIORITY MEASURE

RICKY CARANDANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with