^

PSN Opinyon

Betadine sa impeksiyon sa kuko

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

KUNG ikaw ay nagkaroon na ng impeksiyon sa kuko ng iyong kamay o paa, alam n’yo na napakahirap itong gumaling.

Ang tawag sa sakit na ito ay Paronychia. Kasama rito ang pangkaraniwang ingrown na kuko (ingrown toenail) at iba pang impeksiyon at pamumula sa tabi ng ating kuko. Namamaga ang balat at masakit ito kapag dinidiinan.

Paano nag-uumpisa ang impeksyon? Sa una ay nagkaroon ng maliit na sugat sa tabi ng kuko. Madalas magsimula ang sugat sa pagputol ng kuko, pag-manicure, o paghila natin sa balat na nasa tabi ng kuko. Minsan naman ay naipit sa masikip na sapatos o natapakan ang ating daliri.

Kapag ito’y napabayaan, posibleng makapasok ang bacteria sa loob ng balat at magdulot ng impeksiyon. Mahirap itong gamutin.

Betadine, bulak at band-aid:

Nagpapasalamat ako kay Dr. Ramon Estrada at  Dr. Ric Naval ng Manila Doctors Hospital sa pagturo ng sikreto sa paggamot nito. Sundin ang paraang ito:

1. Kung saan may pamumula o impeksiyon (madalas ito sa malaking daliri ng paa), maglagay ng maliit na bulak sa pagitan ng kuko at balat. 

2. Patakan ang bulak ng Povidone Iodine (o Betadine) para mabasa ito.

3. Balutin ang daliri ng band-aid para hindi matanggal ang bulak. Ang gusto nating mangyari ay manuot ang katas ng Betadine sa loob mismo ng ating balat. Dahil sobrang bisa ang Betadine laban sa mikrobyo, siguradong masusugpo ang impeksiyon kapag naabot ito ng Betadine.

4. Pagkaraan ng ilang oras ay matutuyo na ang Betadine. Puwedeng patakan ulit ng Betadine ang bulak para manatiling basa ito.

5. Palitan ang band-aid at bulak sa umaga at sa gabi. Puwedeng mas madalas kung gusto niyo.

6. Gawin ito sa loob ng 7-10 araw. Huwag titigilan ang paglalagay ng Betadine hanggang sa manumbalik sa normal ang iyong daliri.

7. Kung medyo malaki ang impeksiyon, puwede ka ring uminom ng antibiotic tulad ng Amoxycillin 500 mg capsule, 1 capsule 3 beses sa maghapon sa loob ng isang linggo.

8. Ang isang side effect lang ng Betadine ay ang pangingitim ng iyong balat. Okay lang iyan dahil sa katagalan ay babalik din sa normal na kulay.

9. Kumunsulta din sa inyong doktor tungkol dito. Pero aaminin kong kaunti lang na doktor ang may alam ng paraang ito. Sala­mat kay Dr. Ramon Estrada sa pagdiskubre nito!

vuukle comment

AMOXYCILLIN

BETADINE

DR. RAMON ESTRADA

DR. RIC NAVAL

KUKO

MANILA DOCTORS HOSPITAL

POVIDONE IODINE

PUWEDENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with