^

PSN Opinyon

Editoryal - Si Andres Bonifacio at ang kauhawan sa edukasyon

-

MALAKI ang pagnanais na matuto ng bayaning si Andres Bonifacio na ang ika-146 na kaarawan ay ipinagdiriwang ngayon. Sa kagustuhang makapag-aral at magbasa, sa oras na walang ginagawa (utusan­ siya sa simbahan at nagtitinda rin ng abaniko) ay nagbabasa siya ng mga libro. Nakapagbigay sa kanya ng inspirasyon ang binasang libro ukol sa French Revolution. Marami pa siyang nabasang libro na ang ilan ay humubog sa kanyang pagkatao. Kung hindi marahil naaatang sa kanyang balikat ang responsibilidad sa kanyang mga kapatid, baka mas marami pang nabasang libro si Bonifacio. Naulila sila sa magulang noong 14 na taong gulang siya.

Ang pambihirang katapangan ni Bonifacio ay ipina­malas noong 1892 nang itatag ang Katipunan para labanan ang mapang-aping Kastila. Subalit ang pangarap ni Bonifacio sa Pilipinas ay biglang naputol nang madiskubre ang kilusan. Sa dakong huli, ang mga kasamahan pa niya ang pumatay sa kanya. Namatay siya na nakagapos sa tanikala ng kahirapan ang mga kababayan at maraming salat sa edukasyon.

Walang pagkakaiba ang ipinaglalaban ni Boni­facio noon kaysa ngayon. Ang kahirapan pa rin ang numero unong kalaban ng mga Pinoy. Marami rin naman ang uhaw sa edukasyon. Maraming Pinoy ang hindi makapag-aral. Marami ang hindi marunong sumulat at bumasa. Kulang sa mga school at marami ang nagkaklase sa ilalim ng punong mangga. Ang mahinang klase ng edukasyon sa Pilipinas ang dahilan kung bakit napag-iiwanan ang mga Pinoy ng mga kalapit bansa. Nahihirapang makipagkumpitensiya sapagkat kulang sa kaalaman. Ang reporma sa edukasyon ay nararapat bigyang pansin ng pamahalaan sa ngayon. Malaki ang kakulangan sa mga guro, sapagkat nagtutungo sa Hong Kong at Singapore para mag-DH. Malaki ang kikitain doon kaysa magturo. Itama rin ang mga librong may errors.

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi mabago ang sistema sa edukasyon ay dahil sa talamak na katiwalian na nangyayari sa pamahalaan. Hindi masugpo ang katiwalian kaya apektado ang pagbibigay nang mahusay na edukasyon. Isang dahilan din na kakarampot ang inilalaang pondo ng pamahalaan para sa edukasyon. Paano matututo ang maraming Pilipino sa kaunting budget? Dapat unahin ang edukasyon. Ito ang nais ni Bonifacio noon.

BONIFACIO

EDUKASYON

FRENCH REVOLUTION

HONG KONG

MALAKI

MARAMI

MARAMING PINOY

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with