^

PSN Opinyon

'Impostor na Tulfo, gumagala!'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PINAG-IINGAT ng BITAG ang mga mamamayang Pilipino, maging ang mga maliliit at malalaking negosyante sa buong bansa.

May gumagalang impostor na gamit ang apelyido ng “TULFO”. Nagpapanggap na kapatid daw siya ng TULFO Brothers at nagta-trabaho umano sa BITAG.

Nagbabahay-bahay ito sa mga probinsiya, sa maliliit na establisimento at malalaking negosyo sa labas ng Maynila.

Tumatawag din ito sa mga kilalang personalidad lalo na ang mga pulitiko, sa tanggapan ng mayor, governor at congressman.

Ang kanyang pasakalye, isang public service segment ang kaniyang binubuo sa tanggapan ng BITAG kung kaya’t nanghihingi ito ng kung anu-anong tulong gamit ang kaniyang apelidong TULFO.

Ayon sa mga sumbong na nakarating sa BITAG, humihingi umano sa umpisa ng wheelchair o kung anumang mahahalagang bagay bilang donation umano sa tinutulungan ng aming programa.

Dahil mga negosyante at kilalang tao ang kanyang nilalapitan, kukumbinsihin niyang pera na lamang ang ibigay.

Sa mga probinsiya, personal siyang humaharap. Sa Maynila, tumatawag ito sa telepono ng bawat tanggapan.

Sa kolum na ito, isinusuka ko at mga kapatid na sina Mon, Erwin at Raffy ang impostor na TULFO.

Wala kaming kaugnayan lalo na ang BITAG sa kanyang mga panghihingi at panghuhuthot.

Markado na sa amin ang hayupak na impostor na ito. Ayon sa mga nakatransaksiyon niya ng personal, may kapansanan o putol ang dalawang paa at naka-wheel chair si kolokoy.

Sinumang may impormasyon hinggil sa babalang ito ng BITAG, makipag-ugnayan agad sa aming tanggapan.

Nakulong na noon ang kawatang ito, subalit naka­pagpiyansa lamang. Sa su­sunod na patibong ng BITAG, mabubulok siya sa kulungan upang hindi na makapambiktima pa.

vuukle comment

AYON

BITAG

DAHIL

ERWIN

MARKADO

MAYNILA

NAGBABAHAY

SA MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with