^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kampanya laban sa air pollution

-

MAY kampanya ang pamahalaan laban sa mga abusado sa kalsada na gumagamit ng wangwang para makalusot sa trapiko. Isang araw matapos sabihin ni President Aquino na “Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin…” Agad na kumilos ang Highway Patrol Group ng Philippine National Police at binaklas ang wangwang, blinkers, sirena at iba pa ng mga naghahari-harian sa kalsada. Maski si President Noynoy ay hindi gumagamit ng wangwang mula sa kanyang bahay sa Times St. patungo sa Malacañang. At minsang ma-late sa pagtungo sa Malacañang dahil sumunod sa traffic lights, ang ginawa ay inagahan ang gising para hindi ma-late sa appointment.

Magandang halimbawa sa mamamayan ang ipinakita ni President Noynoy. Tiyak na sa pagkawala ng mga wangwang sa kalsada ay makadarama na ng pagkakapantay-pantay ang lahat. Hindi na masisingitan ng abusadong de-wangwang at hindi na tatarantahin ng blinkers o ng sirenang halos magpapaputok sa eardrum

Kailan naman kaya sasabihin ni President Noynoy na “Kayo ba ay nagtiis na sa nakasusulasok na usok na dulot ng mga tambutso ng sasakyan, dyipni, taxi; o ng usok mula sa tsimneya ng mga malalaking pabrika at factory at iba pang mga kompanya ng nagbubuga nang nakalalasong usok at pumapatay sa mamamayan…” Tiyak na hindi niya masasabing “Ako rin”. Hindi naman kasi sumasakay sa dyipni, bus o kaya’y kakarag-karag na sasakyan si President Noynoy kaya hindi siya nakalalanghap ng maitim na usok.

Kung agad-agad ay nakapaglunsad ng kampanya ang pamahalaan laban sa mga may wangwang, siguro naman ay maaaring maglunsad ng kampanya laban sa mga nagpaparumi sa hangin. Unahing targetin ang mga kakarag-karag na bus na bumibiyahe sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada.

Grabe na ang air pollution sa Metro Manila at karatig na probinsiya. Noong Sabado, maraming eroplano ang hindi makababa sa NAIA dahil sa kapal ng smog (smoke at fog). Usok mula sa mga sasakyan at pabrika ang nakabalot sa papawirin. Nasaan na ang Clean Air Act of 1999? Nasaan na ang kampanya ng DOTC, LTO at MMDA laban sa mga sasakyang nagbubuga ng lason?

Kung kayang solusyunan ang wangwang, maaari rin ang air pollution. Unahin ang problemang ito sapagkat unti-unting pinapatay ang mamamayan.

vuukle comment

CLEAN AIR ACT

HIGHWAY PATROL GROUP

MALACA

METRO MANILA

NASAAN

NOONG SABADO

PRESIDENT NOYNOY

WANGWANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with