Handa nang humarap kay Lord si Tita Cory

Ilang araw nang nagdaraos ng novena para sa pag-galing ni dating Presidente Cory Aquino sa kanyang malubhang sakit na colon cancer. Pati mga kasapi ng ibang relihiyon ay nananalangin din sa kanyang pag­galing.

Pero ang sabi ng dating Pangulo, “higit na nanganga­ilangan ng kagalingan ang Inambayan.”

Aniya, handa na siyang humarap sa Panginoong Diyos. She has lived a life full circle. Pati ang kinaka­ila­ngang chemotherapy para humaba pa ang kanyang buhay ay tinanggihan na niya at ipinaubaya na ang lahat sa kamay ng Diyos.

Kahanga-hanga! Nasambit man ni Tita Cory na han­da na siyang pumanaw, hindi pa rin mapigilan ang dala­ngin ng mga taong nagmamahal sa kanya para sa kanyang lubusang pag-galing.

Kung noong araw ay naging tampulan din ng pagtu­ligsa si Tita Cory dahil sa sinasabing kakulangan ng kakayahang mamuno sa bansa, ngayon ay nakikita ng sambayanan ang halaga ng kanyang kontribusyon para mapanumbalik ang demokrasya. Demokrasyang ngayon ay muling nabibingit sa pagkapariwara dahil sa muling pagsulpot ng mga sakim na opisyal sa ating pamahalaan.

Wika ni Bro. Eddie Villanueva ng Bagong Pilipinas Bagong Pilipino Movement tungkol kay Tita Cory: “She has never failed to stand by us every time our nation goes through a difficult struggle; now let us all stand by her as she goes through her most difficult battle.”

Ang buong 6,000 miyembrong simbahan ng Intercessors for the Philippines at Philippines for Jesus Movement ay patuloy na nagbubuklod ng kanilang mga dala­ngin para sa lubusang paggaling ng dating Pangulo na hangga ngayo’y nagpapakita ng kanyang pagmama­lasakit at pag-ibig sa bayan sa kabila ng kanyang karamdaman.

“When all else fails, pra­yer works, “ Ani Bro. Eddie. Maging ang buong Jesus Is Lord Church sa Philippines at 44 bansa sa buong mun­do ay nagdaraos ng “Intercessory Healing Prayer” para kay Tita Cory. Makiisa tayo sa dalanging ito.


Show comments