^

PSN Opinyon

Tinimbang ka ngunit SOBRA!

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

IN the War against Drugs, the Constitution is the first casualty. Kung susumahin ang mga argumento laban sa mandatory random drug testing of students, malinaw na ang “shotgun” na remedyong ito ay labag sa pinag-uutos ng Saligang Batas.

Hindi kumportable ang mamamayan sa anumang patakarang mapanghimasok sa kanyang pribadong pamumuhay. Sa ating kasaysayan, naging mapusok ang ating Mataas na Hukuman sa pagtanggol sa Bill of Rights. Una na rito ang “ang karapatan ng mga taumbayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pama­mahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam” o ang “right to be secure against unreasonable searches and seizures”. Parang sinalamin ng Philippine Supreme Court ang US Supreme Court na may mahaba ring tradisyon ng pagtataguyod ng kalayaan ng mamamayan laban sa abuso ng pamahalaan.

Subalit nagbago na ang ihip ng hangin sa Amerika. Matapos ang ilang dekadang pag-reject ng Korte sa mga panukalang suspicionless drug testing (na isang uri ng search) sa mga sektor ng lipunan, lalo na sa mga estud­yante, biglang ang timbangan ng katarungan ay pumabor sa pamahalaan. Dahil sa sumasabog nang problema ng droga ng lipunan, naging mas maluwag ang pag­tanggap ng Hukuman sa mga gimik ng gobyerno upang labanan ito. Anumang interes ng mamamayan o estud­yante sa kanyang “privacy” ay maari nang pang­himasukan ng pamahalaan bilang bahagi ng kampanya laban sa droga. At itong pagbabago sa Amerika ay siya ring ginamit na batayan ng ating Supreme Cour, sa kasong SJS vs. PDEA noong 2006, na ang mga estudyan- teng Pilipino rin ay ma­aring basta basta lang halughugin at kunan ng sample ng ihi sa ngalan ng drug prevention efforts ng admi­nistras­yon.

Bale sa Pilipinas nga­yon, may natata­nging kategorya ng ma­ma­ma­­yan -– ang mga es­tud­yante –- na maa­ring ma-search kahit wa­lang suspetsa dahil lang may pangkalaha­tang interes ang gob­yer­no na labanan ang salot ng droga. Ang ka­tumbas nito ay parang tinanggal mo ang requirement ng probable cause para mangha­lughog ng pamamahay, opisina, sasakyan o tao dahil lang nais ng pa­ma­halaang wakasan ang krimen sa lipunan.

Ang papel ng huku­man sa ating sistema ay magsilbing arbiter na humahatol batay sa na­kasaad sa Kons­ti­tus­­yon at sa mga batas. Ka­ilan pa ito naging ins­tru­men­to ng eheku­tibo upang mai­patupad ang mga pa­ngakong pulitikal?

AMERIKA

ANUMANG

BILL OF RIGHTS

HUKUMAN

PHILIPPINE SUPREME COURT

SALIGANG BATAS

SHY

SUPREME COUR

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with