^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tameme ang 'Big 3'

-

UBRA naman palang ibaba nang todo ang presyo ng gasolina at diesel ay kung bakit ngayon lang ginawa. At una pang nagpakitang gilas ang mga maliliit na kompanya ng langis kaysa mga dambu­halang kompanya. Sa ibinawas na P6 sa gasolina at P4 sa diesel ng Unioil, malaking bagay na ito sa mga motorista. Marami nang mararating ang pera ng mga kawawang motorista.

Ni minsan ay hindi nakipagsabayan ang “Big 3” sa mga small players sa pagbabawas ng presyo ng petroleum products kaya ngayon ay nananatili pa ring mataas ang kanilang presyo. Napag-iwanan ang kanilang presyo at tila hihintayin pa yatang tumaas ang crude oil sa world market para hindi na sila magrolbak. Kakatawa ang ginagawa ng “Big 3” na nilampas-lampasan ng iba pang oil companies dahil lumang presyo pa rin ang ipinatutupad. Malaking epekto sa kanila ang ginagawang pag-iwas ng motorista sapagkat malaking bagay ang P6 at P4 na matitipid sa gasolina at diesel.

Ang mabagal na pagbabawas ng presyo ng “Big 3” ay dapat nang imbestigahan ng Department of Energy. Sa kabila na bumaba na ang presyo ng crude oil sa world market ay nakapako pa rin sa mataas na presyo ang petroleum products. Mara­ming nagtataka sapagkat simpleng computations lamang ay hindi pa yata alam gawin ng mga taga-“Big 3”. Sa kasalukuyan umabot na sa $50 bawat bariles ng crude oil sa world market at magpapatu­loy pa raw ang pagbaba hanggang sa susunod na taon.

Sunud-sunod na ang pagbaba pero wala pa ring pakiramdam ang “Big 3” . Tameme sila sa isyung pagbabawas pa ng kanilang produkto.

Ang DoE ang dapat makialam sa nangyayaring ito. Sakop nila at maaaring pakiusapan ukol sa pagbabago ng kanilang presyo. Paano pa sila ma­bubuhay kung hindi na nila kayang pumarehas sa mga motorista. Mahirap din naman kung lagi nilang paglalalangan ang mga mahal na kababayan.

Laging sinasabi ni Sec. Angelo Reyes na aalamin niya ang mga dahilan kung bakit hindi makasabay ang “Big 3” sa iba pang presyo. Pero hanggang nga­yon hindi pa nasusubukan ni Reyes na imbestigahan ang mga malalaking kompanya ng langis.

Kailan magkakaroon ng ngipin ang mga ahensiya ng gobyerno para lubusang makahulagpos ang bansa sa krisis na ito na dulot ng yosi.

ANGELO REYES

BIG

DEPARTMENT OF ENERGY

KAILAN

KAKATAWA

LAGING

PRESYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with