Nalusutan ang sandamukal na pulis sa Batasan Complex

NAGIMBAL ang sambayanan nang pasabugin ng teroristang Abu Sayyaf ang mga sasakyang naka­parada sa South Wing ng House of Representatives sa Batasan Complex kahapon ng gabi. Isa sa mga namatay si Basilan Rep. Wahab Akbar. Pasakay umano ang kongresista sa kanyang sasakyan nang maganap ang pagsabog.

Sugatan din si Negros Oriental Rep. Henry Teves at Gabriela Party-List  Rep. Luzviminda Ilagan. Sina­ wing palad naman si Maan Bustalino, staff ni Rep. Teves at Marcial Rualdo, driver-bodyguard ni Rep. Ilagan. Nasa 12 katao ang naiulat na nasugatan.

Mukhang matagal nang pinlano ng mga Abu Say­yaf na likidahin si Akbar at naisakatuparan nila ang kanilang hangarin. Nagmukhang tanga at inutil ang Philippine National Police sa pangyayari dahil sa Kongreso pa ipinakita ng Abu Sayyaf ang kanilang bangis, he-he-he!

Sampal kay President Gloria Macapagal-Arroyo ang pambobomba ng Abu Sayyaf matapos makitaan ng kahinaan ang Armed Forces of the Philippines  (AFP) at PNP, habang patuloy ang sagupaan sa pinagku­ kutaan ng Sayyaf sa kabundukan ng Jolo      ay nakalusot pa sa Metro Manila.

Nalusutan ang sandamukal na kapulisan ng Philippine Security Protection Office (PSPO) na nagbibi­gay ng proteksyon sa buong complex, he-he-he! Mali­naw na nagkaroon ng security lapses matapos mata­gumpay na maisagawa ng Sayyaf ang patraidor na pagsalakay. Get n’yo mga Suki!

Hindi pa man nabubura sa isipan ng mamama­yang Pilipino ang pagsabog ng Glorietta Mall 2 sa Makati City na kung saan 11 ang namatay at ikinasu­gat ng mahigit sa 100 katao. Habang nagtatalo ang Ayala Land Corporation at PNP ukol sa methane gas, muli na namang nagpakitang gilas ang mga Sayyaf.

Panahon na PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr, na alpasan mo ang iyong mga tauhan para magsa­gawa ng pagmamanman sa mga hinihinalang lungga ng mga terorista upang maputol na ang maitim na balakin ng mga ito sa seguridad ng bansa.

Hambalusin mo na ang inyong mga tauhan na nag­papabaya sa kanilang tungkulin bago mahuli ang lahat. Ikalat mo sa lahat ng sulok ng bansa ang iyong mga Bulldog upang umamoy sa mga kaaway na nagna­nais na pabagsakin ang Arroyo administration.

Show comments