^

PSN Opinyon

Mga suporta kay Jinggoy sa pagtatatag ng OFW Bank

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MARAMING nag-e-mail sa akin na nagpapahayag ng suporta sa panukalang batas na inihain ng aking panga­nay na anak na si Senate president pro tempore Jinggoy Estrada para magtatag ang pamahalaan ng Philippine Overseas Workers Bank, ang banko para sa OFWs, mula sa OFWs, at pag-aari ng OFWs.

Narito ang natanggap kong e-mail:

Ako po ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Jubail Saudi Arabia. Ramdam po namin ang pagbaba ng conversion rate na ikinalulungkot ng bawa’t OFW dahil gasino na lang ang nakakarating sa mga pamilya namin.  

Sana po matupad yung OFW bank. Para po may share ang bawat OFW sa remittance charge. Sa dami po ng OFW ay pwede nang maging capital yung charge na yun na almost 22 Saudi riyal or mga P220 bawat transaction.

Wala pong konkretong support ang gobyerno sa mga OFW. At least po sa OFW bank, pwedeng maging investor ang mga OFW o ex-OFW. Lending alone ay malaki na ang kikitain ng bawat OFW as dividends…. para mag-provide ng iba’t ibang serbisyo sa kanila. It’s like “letting their money work for them and their families” –- pautang, insurance, trabaho, at marami pang iba. Maganda ang panukalang ito.  — James Rex Padilla

Senator Jingoy Estrada. Sir, good afternoon. I read the column of your beloved mother Dra. Loi Ejercito Estada regarding OFW Bank and its services on remittances, loans, and jobs. I want to be a member of this bank. I am an ex-OFW. — Fiorella Laceste

Dear James at Fiorella, at sa iba pang sumusuporta sa panukala ng aking anak. Maraming salamat sa inyo. Nawa ay agad na maaprubahan ang naturang panu­ kalang banko upang ang mga OFW ay makaluwag sa pinansyal, lalo ngayong lumiit ang halaga ng kanilang remittances dahil sa pagbaba ng dolyar.

Bukod sa OFW bank, marami pang mga hakbangin si Jinggoy para sa kapakanan ng mga “bagong bayani”.

* * *

Para sa mga suhestiyon o komento, mag-e-mail sa [email protected]

vuukle comment

DEAR JAMES

FIORELLA LACESTE

JAMES REX PADILLA

JINGGOY ESTRADA

OFW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with