^

PSN Opinyon

Consommission on elections

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
"TUWING araw lamang ng halalan na tunay na lahat tayo ay pantay-pantay, mayaman man o mahirap, tigitig-isa lamang tayo ng boto kaya yun ay sagrado". — Gng. Susan Roces, June 29, 2005 Press Conference sa Club Filipino

Ang halalan ay sumasalamin sa kalusugan ng isang demokrasya. Kung bulok ang sistema ng halalan, siguradong walang tunay na demokrasya sa bansa. Dahil wala na rin itong kinaiba sa mga bayang pinatatakbo ng diktador —- ang taumbayan ay hindi malayang makapamili ng kakatawan sa kanilang mga interes sa pamahalaan.

Maraming mahalagang kumpuni ang isang sistema ng halalan na tumatakbo ng maganda. Una sa lahat ay ang isang mahusay, malinis at malayang Commission on Elections (Comelec) na makakagarantiya ng kapani-paniwalang resulta ng bilangan. PATAY. Umpisa pa lang, talo na.

Sa mga survey, negative pa rin ang trust rating ng Comelec bilang institusyon. Hindi rin maganda ang perso- nal na rating ni Chairman Abalos mismo na hindi rin pinagkakatiwalaan ng karamihan. Bago pa man mag-umpisa ang election period para sa 2007 elections ay naka-tattoo na sa utak ng tao ang binasurang Mega-Pacific contract kung saan nalugi ang gobyerno ng bilyon-bilyong piso. At siyempre, paano pa makakalimutan ang pagkainutil ng Comelec (o ang pagkasangkot nito) sa nangyaring dayaan nung 2004. Hello . . . Garci?

Ngayong nag-umpisa na ang election period, agad na namang sinalubong ang Comelec ng isyu tungkol sa: (1) overpricing sa ballot paper; (2) sa pagpapabor sa isang party list group na puro kamag-anak at kapitbahay ni Chairman Abalos ang miyembro — tinaguriang " AKKA o Asosasyon ng mga Kamag-anak at Kapitbahay ni Abalos"; at (3) pagbabawal sa survey na pinapayagan naman ng batas at ng Supreme Court.

Hindi maaring makamit ang inaasam na reporma sa sistema ng halalan kapag ang mamamahala dito ay kulang sa tiwala ng tao. Maski ang mga Obispo ng simbahan ay nakiisa na sa panawagang i-revamp na ang Comelec. Kung hindi ay gayahin sana ang gina-wa ni Pres. Marcos noon na magnomina ng oppositionista sa natitirang vacancy sa Comelec upang magsilbing mata ng bayan at magarantiyahan na walang panlalamang na mangyayari.

COMMISSION ON ELECTIONS

GRADE: 64

vuukle comment

ABALOS

ASOSASYON

CHAIRMAN ABALOS

CLUB FILIPINO

COMELEC

DAHIL

GARCI

PRESS CONFERENCE

SUPREME COURT

SUSAN ROCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with