^

PSN Opinyon

Walang kasalanan si Ambassador Kenney

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
HINDI dapat magalit ang mga Pilipino kay US Ambassador Kristie Kenney dahil sa kanyang ginawang pag-agaw sa custody kay US Marine Corporal Daniel Smith. Sa totoo lang, ganyan naman talaga ang trabaho ng lahat ng mga ambassador, kasama na rin diyan dapat ang ating mga sariling Filipino ambassadors. "Right or wrong", tungkulin ng mga ambassador na tumulong sa kanilang mga kababayan, at dapat lang na gawin nila ang lahat ng mga paraan upang matupad ang kanilang trabaho.

Dahil nakita natin na si Mrs. Gloria Arroyo ang tumiklop sa pressure ni Ambassador Kenney, siya ang dapat sisihin sa nangyari at wala nang iba pa. Sa halip na magalit ang mga Pilipino kay Kenney, dapat pa nga siyang tularan ng mga ambassador natin, at dapat hikayatin natin sila na maging mas aggressive sila sa pagtulong sa mga distressed OFW sa abroad na parang katulad na rin ang sitwasyon kay Smith, dahil sila ang nakakulong sa ibang bansa.

Katawa-tawa naman ang sinabi ni Justice Sec. Raul Gonzalez na mas mabuti pa raw na ibinigay na lang ang custody kay Smith sa mga Amerikano, upang maiwasan na lang daw ang pag-pardon sa kanya. Sino naman kaya ang nagsabi kay Gonzalez na maaring ma-pardon ang isang convict kaagad-agad, dahil siya ay isang Amerikano?

Baligtad na talaga ang mga pangyayari ngayon, dahil si Gonzalez na dapat ang trabaho ay ipagtanggol ang ating justice system ay siya pa mismo ang nagtatanggol sa kamaliang ginawa ni Mrs. Arroyo. Ano na nga ba ang nangyari sa separation of powers ng executive branch at ng judicial branch? Ganoon na lang ba talaga ngayon, na kayang-kaya na ng Palasyo na bastusin ang husgado?

Habang tumatagal ang panahon, padagdag nang padagdag ang mga kasalanan ni Mrs. Arroyo sa bayan. Dapat nga ba siyang ma-impeach, gayong hindi naman siya tunay na pangulo?
* * *
Makinig sa "USAPANG OFW" sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. Mag-e-mail sa [email protected], text 09187903513, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515.

vuukle comment

AMBASSADOR KENNEY

AMBASSADOR KRISTIE KENNEY

AMERIKANO

DAPAT

GONZALEZ

JUSTICE SEC

MARINE CORPORAL DANIEL SMITH

MRS. ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with