Batang may bala sa ulo
January 3, 2007 | 12:00am
ITINUTURO sa atin ng ating mga magulang at maging ang mga guro sa paaralan ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay isang mabuting bagay at isang magandang kaugalian.
Maski si Kristo ay sinasabi niyang Gumawa ng mabuti sa iyong kapatid at ikaw ay aking pagpapalain. Ito ay naging alituntunin ni Ofelia Usero ng Bagong Silang, Caloocan nang tanggapin niya ang responsibilidad tulad ng utusan, paglinis ng bahay at paghuhugas ng pinggan. Kapalit nito ang halagang P50 kada araw, suma tutal ay P1,500 sa isang buwan.
Palibhasa likas na mabait si Ofelia. Hindi na siya nagrereklamo na pati pamangkin ni Ronnie Honrubia ay pinapaalagaan sa kanya. Patung-patong na ang trabaho nito. Dito nagsimula ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng kanyang asawang si Dante. Lumalabas kasi na wala na siyang oras sa kanyang tahanan. Hindi maiwasan na silang mag-asawa ay magtalo. At nang minsan sila ay nagtalo ay hawak nito ang pamangkin ni Ronnie.
Basahin natin ang mga susunod na pangyayari matapos na sila ay magtalo ng kanyang asawa base na rin sa salaysay ni Ofelia. Mariin naman nitong pinabulaanan ang sumbong ng isang kapitbahay. Isang malaking diskusyon ang nangyari hanggang sa nauwi sa pamamaril.
Labis ang pakikisama ni Ofelia sa pamilyang ito sapagkat napalapit na ang mag-iina sa batang inaalagaan kaya naman hindi na iniintindi ni Ofelia ang galit ng asawa sa tuwing itoy kanilang inaalagaan.
"Ang ikinagagalit ng asawa ko ay masyado na raw akong inaalila ng mga Honrubia dahil hindi naman nila binabayaran ang pagpapaalaga sa bata. Hindi naman ako humihiling na bayaran nila dahil natutuwa naman kami sa bata," paliwanag ni Ofelia.
Dahil sa pagtatalo ng mag-asawang Ofelia at Dante, isang kapitbahay ang nagsumbong kay Ronnie na muntik ng mahulog ang sanggol. Subalit ayon naman kay Ofelia, walang katotohanan ito dahil karga ng biktima ang pamangkin ng suspek habang sila ay nagtatalo. Nais ni Dante na isoli ni Ofelia ang bata para hindi na ito mag-intindi sa pag-aalaga.
Ika-4 ng Hulyo 2006 sa Bagong Silang, Caloocan City naganap ang insidente. Nang malaman ni Ronnie na muntikan nang mahulog ang kanyang pamangkin ay sinugod nito si Dante at binugbog ito. Hindi na nito nakuhang lumaban pa sa takot na higit pa roon ang kanyang abutin kay Ronnie.
Sa takot ni Dante, minabuti na lamang niyang magpalipas ng oras sa kapatid nito. Naiwan naman ang mag-iina nito sa kanilang bahay. Bandang ala-una ng madaling-araw ay nagpunta si Ronnie kasama ang asawa nitong si Josephine sa bahay ng mga Usero.
Nagising si Ofelia nang may kumatok sa kanilang pinto. Pagbukas nito, si Ronnie ang kanyang nakita. Pilit nitong pinapalabas si Dante. Sinabi ni Ofelia na sila lang mag-iina ang nasa bahay at ala ang kanyang asawa. Hindi naman pinaniwalaan ni Ronnie ang sinabi ni Dante kaya pinasok nito ang loob ng bahay. Hinayaan na lamang niya itong halughugin ang kanilang bahay.
Samantala habang kausap ni Ofelia ang asawa ni Ronnie, nakita nitong pinaputok ni Ronnie ang baril na hawak nito. Tumama ang bala sa radio. Naalarma si Ofelia nang sumigaw ang anak na si Dan-dan. Tinawag nito ang ina at sinabing may dugo ang ulo niya.
"Nilapitan at binuhat ko ang anak ko. Humingi ako ng tulong sa mag-asawa para madala sa ospital si Dan-dan. Ang sabi lang sa akin ni Ronnie ay wala lang daw ang tamang iyon," sabi ni Ofelia.
Samantala sinabihan rin ni Ronnie sa Ofelia na huwag mag-ingay. Sa pangamba nitong baka kung ano pa ang gawin sa kanila ay nanahimik na lamang ito at nagmamakaawang tulungang dalhin sa ospital ang anak. Naghanap si Ofelia nang masasakyan habang buhat-buhat nito ang anak. Agad nilang dinala sa Tala Hospital. Nalaman ni Ofelia na may bala sa loob ng ulo ni Dan-dan sapagkat sinabihan sila na kailangan itong ilipat sa East Avenue Medical.
Sa kabutihang palad naman ay nakaligtas si Dan-dan sa kamatayan. Mahigit na isang buwang na-confine ang biktima. Nang makalabas na ito ng ospital ay pinuntahan naman ni Josephine si Ofelia. Pinagbantaan sila nito na kung magdedemanda, isa sa kanila ay itutumba nito.
Hindi na naglakas-loob pa ang mag-asawang Ofelia at Dante na magdemanda dahil sa takot na sila ay barilin nito. Ika-11 ng Agosto, muli silang pinuntahan ni Josephine at may dala tong kasulatan.
Sinasabi sa kasulatang ito na sasagutin nila ang naging gastusin nila sa ospital kapalit nito ay ang hindi nila pagsampa ng reklamo. Ayon kay Ofelia, napilitan lamang silang pirmahan ito dahil sa takot at isa pay hangad nila ang kaligtasan ng kanilang anak kung ito ay maipagagamot.
Hindi naman tinupad ni Ronnie ang pangakong ipagagamot si Dan-dan. Bukod pa rito ay madalas silang guluhin ni Ronnie. Madalas ay binabato ang kanilang bahay. Ika-28 ng Oktubre 2006 bandang alas-4 ng hapon nang guluhin sila ni Pablo Guerra Jr. Inireklamo nila ito sa himpilan ng pulisya at doon ay nalaman nilang napag-utusan lang ito ni Ronnie.
Sa puntong ito, hindi na nagdalawang isip pa ang pamilya Usero na ituloy na ang pagsampa ng kaso Frustrated Murder in relation to RA 7610 laban kay Ronnie. Hangad ni Ofelia na mabigyan ng hustiya ang nangyaring ito sa kanila.
Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended