Nang araw din yun agad kumilos pronto ang BITAG para makipag-ugnayan sa Office of Muslim Affairs. Kasama ang mga Salam pulis, pinag-aralan ang gagawing operasyon.
Hanggang sa napag-alamang mga opisyales ang nasa likod ng extortion.
Dahil dito minabuti na lamang ng BITAG na ilapit ang kasong ito sa National Bureau of Investigation.
Unang pinuntahan ng grupo ang NBI Special Action Unit pero agad nila itong inilipat sa Background Investigation. Pagdating sa BI ng NBI, wala rin nagawa ang mga operatiba dahil kulang daw sila sa tao.
Kaya sa NBI National Capital Region diniretso ang kaso. Pagdating sa NBI-NCR, Dito nakaamoy na ang BITAG na nagkaroon ng timbrihan.
Hindi na hinayaan ng mga operatiba ng NBI-NCR na maidukomento ang pag-uusapan sa pagitan ng NBI-NCR at ng nagrereklamo.
Matapos ang ginagawang timbrehan este imbestigahan ng NBI-NCR, dito na nakatanggap ng text messages si Ely mula sa kanyang kapatid na si Malik. Pinalaya na raw siya.
Kinabukasan, humarap sa BITAG si Malik mismong sa kanya na galing na mukhang nakatunog ang mga pulis ng Camp Bagong Diwa na humuli sa kanya.
Ilang operasyon na ang ginawa ng BITAG laban sa ilang tiwaling pulis na kalimitang binibiktima ang mga kapatid nating Muslim.