Ex-mayor ng Bolinao nangamkam ng fishponds at salt farms?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas () - November 22, 2006 - 12:00am
LUMALALIM ang sigalot na dulot ng iniwang ari-arian ni Josefa Rabago, anak ni Pedro Reinoso, na may malawak na lupain at kayamanan sa Alaminos, Pangasinan. At habang tumatagal ang usapin, maraming tao ang nadadamay at isa na rito ang dating mayor ng Bolinao na si Jesus "Boying" Celeste. Ang balitang nakarating kasi sa akin, mukhang na-Wow Mali si Celeste na kapatid naman ni Rep. Arthur Celeste ng 1st District ng Pangasinan. Imbes kasi na 11.9 ektarya na agricultural lands, eh ang kinamkam ni ex-mayor Celeste ay mahigit 88 ektarya na mga fishponds at salt farms kaya’t may kalalagyan siya sa hinaharap. Kaya ko nasabi ito mga suki, dahil balak sampahan ng kaso ng mga may-ari ng apektadong lupain si Celeste dahil malaki ang nalugi sa kanilang negosyo. Nilimas kasi ni Celeste at ng kanyang armed goons ang alaga nilang bangus, sugpo at pati ang nakatago na saku-sakong asin. Ano ba ’yan?

Ito palang si Rabago ay may adopted son na si Roberto Rabago. Noong ’80s si Roberto ay nakipag-ayos sa pamilya Reyes at pumirma ng quit claim noong Oct. 26, 1984 para itigil na ang labanan nila sa Korte bunga sa mana. At sa harap ng kani-kanilang abogado, hinati ang naiwang ari-arian ni Josefa Rabago sa lahat ng claimants noong Nov. 6, 1984. Ang napunta kay Roberto Rabago ay ang lote sa Makati City at Parañaque City at mga kasangkapan, kotse at pera. Isama na diyan ang tat-long house and lots na matatagpuan sa San Lorenzo, Dasmariñas at Bel-Air Subd. sa Makati City. Ayon sa records ng kaso sa Alaminos court, inaprubahan ng Ma-kati City Regional Trial Court Branch 141 ang kasunduan ng magkabilang panig noong Oct. 9, 1987.

Matapos ang 19 taon, pinabuksan ni Roberto Rabago ang 1987 agreement sa Korte sa Makati City sa kadahilanang may mga property pa na hindi nakasama sa partihan nilang mga heirs. At bunga nito, iniutos ni Judge Jules Mejia na ilagay sa receivership ni ex-mayor Celeste ang kini-claim ni Rabago na agricultural at residential lots. Ayon kay Atty. Facundo Palafox, dito nagsimula ang kalbaryo sa buhay ni ex-mayor Celeste. Matapos matanggap ang court order, kaagad sinipa ni Celeste ang mga occupants sa 88 ektaryang fish- ponds na may sugpo, bangus at salt farms na may ilang bodega na naglalaman ng asin.

Ayon pa kay Palafox, ibinenta pa ni Celeste ang laman ng mga fishponds. At sa ngayon. humihingi ng pahintulot ng Korte si Celeste na ibenta niya ang nakumpis- ka niyang aabot sa 100,000 sako ng asin na nakuha niya sa ilang bodega sa contested na lupain. He-he-he! Masalimuot talaga ang kasong ito.

Kaya lang, na-"Wow Mali" si Celeste, ani Palafox. Kasi nga, ayon sa records ng Korte, ang dapat lang na mapunta sa pangangasiwa ni Celeste ay 11.9 hectares of un-irrigated lands na matatagpuan sa Bara-ngay Pangapisan, Alaminos City. At ang paliwanag pa ni Palafox na kung ang lupain man na pinasok ni Celeste ang tinutukoy ng Korte, aba, lumampas ng aabot sa 70 ektarya ang napasakamay niya. At sa kautusan ng Korte, maliwanag na walang binanggit doon na salt farms o fishpond, dagdag pa ni Palafox.

Sana magkaroon ng solution ang siga- lot na ito sa Korte sa lalong madaling panahon bago mabalik sa taguring "Wild, Wild West" ang Western Pangasinan.

Abangan!

ALAMINOS AYON CELESTE JOSEFA RABAGO KORTE MAKATI CITY PALAFOX ROBERTO RABAGO WOW MALI
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with