^

PSN Opinyon

Double cross

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
LUMUTANG na si Gringo. Lumutang din ang sari-saring tsismis. "May sugat daw sa paa dahil tumatakas sa arres-ting officer". Tumatakas? Hasus, eh kung ikaw ang may pabuya ang ulo na 5 million PESOS, hindi ka ba mag-aalala sa mga armadong tao sa kalaliman ng gabi? Malay mo bang pulis yun? At kung pulis man iyon ay di ka pa rin nakakasigurado. Remember the TMG-Ortigas shootout?

Sa gitna ng ingay, nakalimutan na yata natin bakit nga ba ulit nag-underground si Gringo? Oakwood. Kuya raw ng mutineers. Pero sandali. Hindi ba’t si Sen. Honasan, kasama nina Sen. Biazon at Sotto, ay namagitan sa mga mutineers sa hikayat nina Sec. Defensor at Tiglao. Tapos, agad sinampahan siya ng reklamo na walang kaebi-ebidensiya at aarestuhin daw saan man matagpuan. Natural, hindi sinipot ang imbestigasyon. Nang hingin niyang ipaliwanag ang walang detalyeng akusasyon bago niya sagutin, tinuring ito agad na pagsuko sa karapatang sumagot. Pagkatapos ay dali-daling nag-issue ng arrest warrant. LUMANG TUGTUGIN. Ni-replay ng gobyerno kay Mayor Jejomar Binay. Humingi lang ng detalye, sinabihan nang Aha! -— guilty ka na.

Bakit naging madali ang pagkahuli sa orig na "magician"? Kataka-taka na isang tao na kilalang planado lahat ng kilos ay biglang nagrelax. Para bang pinaniwala siyang OK na ang lahat. Totoo nga kayang may negosasyon na para lumutang si Gringo? Lulutang na, inunahan bigla. Sabi nga ni Biazon: NA-DOUBLE CROSS si Honasan.

Matindi na ang damdamin ng tao laban o pabor kay Senador Honasan. Walang pumapagitnang opinyon -— kung hindi siya martir, demonyo. Anuman ang paninindigan, hindi dapat kaligtaan na si Sen. Honasan ay mayroon ding karapatang dapat respetuhin. At may proseso ang batas na dapat sundin. Ngayon, maaari nang harapin ang mga bintang. Huwag sanang magpadala ang gobyerno sa dambuhala nitong kapangyarihan at balewalain ang batas. Wakas na raw ang destabilisasyon? Kwidaw – Wala nang mas masahol na destabilisasyon kaysa sa isang abusadong gobyerno.

GRADE: + + as in double cross

vuukle comment

ANUMAN

BAKIT

BIAZON

BINAY

HASUS

HONASAN

HUMINGI

HUWAG

MAYOR JEJOMAR

SENADOR HONASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with