^

PSN Opinyon

Ika-20 anibersaryo ng PSN

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Itong March 17 ay hindi ko malilimot

Pagka’t kaarawan ng dyaryong Tagalog;

Pilipino Star NGAYON –pangalang matunog

Ito’y tabloid na kilala at bantog!

Tabloid nga lang ito na dyaryong maliit

Pero binabasa ng buong daigdig;

Mga nagbabasa’y Tagalog at Ingles

Kaya naglilinang ng puso at isip!

Lubhang dumurunong mga readers nito

Kaya umaangat tayong Pilipino;

Lenguwahe’y malinis kaya kahit sino

Kapag binasa na ay tumatalino!

Anibersaryo nito’y tuwing Marso 17

Kaya ang Pilantik taos ang pagbati;

Sa mga editor at mga kawaksi

Dalangin ng pitak higit pang matangi!

Anibersaryo nito sa t’wing sasapit

Lagi nang may tula rito sa Pilantik;

Hawak na latigo laging nakaligpit

Upang sa paglatay ay hindi masakit!

Ang PSN ngayo’y lubhang naiiba

Sa maraming dyaryong lumitaw sa bansa;

Kung ito’y basahin ng mayama’t dukha

Masasalamin mo’y tapat na adhika!

Ito’y hindi bastos - tunay na matapat

At ito sa bayan ay parang watawat;

Kapag binasa na’t sa baya’y lumantad

Ay katotohanan ang sinasagisag!

Sagisag din ito nitong sambayanan

Na laging kaisa nitong katarungan;

Pati ang gobyerno‚y inaalagaa’t

Sumusunod ito sa Inang Simbahan!

vuukle comment

ANIBERSARYO

DALANGIN

HAWAK

INANG SIMBAHAN

ITONG MARCH

KAPAG

KAYA

PILANTIK

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with