^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi pulis patola

-
PULIS patola ang tawag sa mga pulis probinsiya. Kapag tinawag na pulis patola, ibig sabihi’y walang ibubuga, bano, at mahinang klase at kung anu-ano pang salitang panghamak sa mga pulis probinsiya. Tingin kasi sa mga pulis probinsiya ay yung tipong tumatakbo sa laban at bahag ang buntot.

Pero hindi pala dapat hamakin ang mga pulis probinsiya. Hindi pala dapat husgahan ang kanilang kakayahan. Katulad ni Police Inspector Rodelio Caballes ng Agusan del Sur PNP na isang pulis probinsiya. Nakahahanga ang ginawa ni Caballes noong 1992 nang harapin niya ang may 30 miyembro ng New People’s Army. Nag-iisang nakipagbakbakan si Caballes sa mga NPA at nang mahawi ang usok, 11 NPA ang kanyang naitumba. Nagsitakas ang mga NPA makaraang kolektahin ang mga bangkay ng kasamahan. Sabi ni Caballes, ang kalagayan ng kanyang pamilya ang kanyang naisip ng mga sandaling iyon kaya nakipagbakbakan sa mga NPA. Alam niyang papatayin siya ganoon din ang kanyang asawa at mga anak kaya lumaban na siya. Tinulungan siya ng kanyang asawa sa paglo-load ng bala sa kanyang gamit na M-14 carbine rifle. May ranggong Senior Police Officer 4 (SPO4) noon si Caballes.

Ang katapangan at kabayanihang ipinakita ni Caballes ang naging daan para siya gawaran ng Medal of Valor noong 1993. Ang Medal of Valor ang ipinagkakaloob sa walang takot na nagtanggol laban sa mga kaaway. Ito ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob sa nagpakita ng kabayanihan para maipagtanggol ang nasasakupan sa kaaway.

Bihira ang katulad ni Caballes na isang tinatawag nilang pulis patola. Pero maaaring mamatay na ang katawagang pulis patola sa nalantad na kabayanihan at katapangan ni Caballes.

Dapat tularan si Caballes ng kanyang mga kabaro. Maraming kabaro si Caballes na ang inaatupag ay ang paggawa ng masama na lalo namang naglulubog sa PNP sa putikan. May mga pulis sa kasalukuyan na sangkot sa masasamang gawain at protector ng sindikato ng droga, sugal at kung anu-ano pang nagpapababa sa PNP.

Pulis probinsiya si Caballes pero ipinakitang mas nakahihigit siya sa katapangan kaysa mga pulis sa siyudad na ang kaya lamang harapin ay ang mangotong at sumipsip sa pinaghirapan ng kapwa.

Dapat gawing halimbawa si Caballes ng mga kabarong pulis.

ANG MEDAL OF VALOR

CABALLES

DAPAT

KANYANG

MEDAL OF VALOR

NEW PEOPLE

PERO

POLICE INSPECTOR RODELIO CABALLES

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with