Si Pablo, na ang dating pangalan ay Saulo, ay ipinanganak na isang Judio sa Tarso ng Cilicia, ngunit lumaki sa Jerusalem. Datapwat siyay naging isang mamamayang Romano rin.
Sa kanyang patotoo, siyay nagpahirap sa maraming Judio na naging mga tagasunod ni Jesus. At isang araw na patungo siya sa Damascus, biglang kumislap sa kanyang paligid ang isang matinding liwanag mula sa langit at narinig niya ang isang tinig, "Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig?" Nang tanungin niya ang tinig kung sino iyon, ang sagot ay: "Akoy si Jesus na taga-Nazaret na iyong pinag-uusig." Nakita rin ng kanyang mga kasama ang liwanag ngunit hindi nila narinig ang tinig. At si Pablo, dahil sa tindi ng liwanag ay nabulag. Ngunit binigyan siya ng atas kung ano ang kanyang gagawin.
Pagkatapos niyang pabautismo kay Ananias, siyay nakakita muli at naging masugid na tagapaglingkod ni Jesus. At siya nga ay sinugo sa mga Hentil - sa mga hindi Judio - upang ipahayag sa kanila ang Mabuting Balita.
Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay tumutukoy sa mga gampanin ng mga tagasunod ni Jesus (Mark 16,15-18).
Sinabi ni Jesus sa kanila, "Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: Sa pangalan koy magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; silay hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay."