Matulis na Metro Manila mayor sinugod ng kanyang chiching sa Classmate

ALAM n’yo bang nagulat ang isang mayor sa Metro Manila nang biglang sugurin ng kanyang chiching sa Classmate, isang night club sa Quezon City.

Ayon sa aking bubuwit, 143 days na lang at Pasko na.

Happy birthday kay Bishop Gabriel Reyes ng Antipolo City; Army Col. Roland Detabili, PInsp. Daisy Catibog, Bro. Ed Alcaraz ng Unilab; Danilo Dechavez ng Hitachi; Sendong Radaza at Jonas Mateo.
* * *
Alam n’yo bang nagulat ang isang major nang bigla siyang sugurin ng kanyang chiching sa Classmate isang sikat na night club sa Quezon City.

Ayon sa aking bubuwit, noong July 26, 2005 ng hatinggabi, nasorpresa si Mayor nang biglang sumugod ang kanyang chiching. Siyempre, kung nabigla si Mayor, mas lalo namang nataranta ang kanyang mga bodyguards sapagkat sila ay nasingitan.

Hindi nila naharang ang naturang chiching nang biglang sumugod sa Classmate night club sa Quezon City.

Nabalitaan pala ng chiching na meron kinakahumalingang magandang GRO sa Classmate si mayor kaya biglang sumugod doon.

Ayon sa aking bubuwit, hindi sukat akalain ng mga security ni Mayor na biglang susugod doon ang chiching. Alas-dose ng hatinggabii nang sumulpot sa Classmate ang chiching.

Ayon sa aking bubuwit, para makaiwas sa malaking eskandalo si Mayor, kinausap ang kanyang chiching sa labas ng Classmate.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, si Mayor at ang kanyang chiching ay lumabas sa parking lot sa likod ng club. Sila ay sumakay sa kulay itim na Honda CRV ni Mayor.

Ayon sa aking bubuwit, galit na galit ang chiching ni Mayor. Siguro ay inindiyan ni Mayor kaya napasunod sa club. Matindi rin ang kanilang spy. Nasundan si Mayor sa Classmate.

Dahil sa tindi ng sama ng loob ng chiching, ito ay nag-iiyak. Katakut-takot naman ang paliwanag ni Mayor sapagkat inabot sila ng pasado alas-dos ng madaling-araw ay nandoon pa rin sila sa loob ng nakaparadang CRV.

Ayon sa aking bubuwit, ang mayor na matulis na sinugod ng kanyang chiching sa Classmate ay si… siya ay si Metro Manila Mayor R. as in Reynaldo.

Show comments