^

PSN Opinyon

Abangan ang kilos ng tatlong sektor

SAPOL - Jarius Bondoc -
MATULING nagbabago ang mga pangyayari dahil sa krisis pampulitika. Mabilis nang dumudulas si Gloria Arroyo mula sa poder. Pinagtitigasan niyang hindi bibitiw sa puwesto, miski iniwan na ng 10 Cabinet members. Pero hindi na hawak ni GMA ang sitwasyon. Dinadala na lang siya nito.

Marami pang mangyayari. Maaaring dumami pa ang kakalas sa Cabinet, hindi dahil sa courtesy resignations na hiningi ni GMA kundi upang i-pressure siyang bumigay. Maaring magmadali ang Oposisyon sa pag-agaw sa poder sa pamamagitan ng malalaking demonstrasyon. Maaring tumulak ang mga nagbabalak ng junta. Maaring makipag-unahan ang Kaliwa. Naroon si VP Noli de Castro, na bagamat atubiling umiwan kay GMA ay natural lang nais tikman ang pinaka-mataas na posisyon sa kaharian. At naroon ang Amerika, na kahit paano’y may hawak pa sa sistema ng bansa at nag-aalala kung saan mauuwi ang mga kaganapan.

Tatlong sektor ang magsisilbing daluyong na dadagok kay GMA. At sila ang dapat bantayan ng mga naghahangad na pumalit sa puwesto o mag-impluwensiya ng pagbabago. Sila ang Militar, Simbahan at Negosyo.

Habang sinusulat ito, nagbabalak na ang malaking grupo sa negosyo na ipagkait na ang suporta kay GMA. Malamang ngang mangyari ito dahil namuno sa pagkalas sa Cabinet ang mga tinitingala nilang miyembro: sina Cesar Purisima ng finance, Juan Santos ng trade, Bert Lina ng Customs, at Willy Parayno ng BIR. At kapag tumalikod ang negosyo, mawawalan ng saysay ang pangangalap ng pondo para sa mga programa’t repormang huli nang tinutulak ni GMA.

Nagdaos nitong weekend ng annual convention ang Catholic Bishops Conference of the Philippines. Kumapit man ang mga obispong Protestante kay GMA, talo na siya kung pinasya ng CBCP, na sumasaklaw sa 85% ng populasyon, na palitan na siya.

At kung bumitiw din ang Militar, wala nang magtatanggol kay GMA sa poder. Walang haharang sa iba’t-ibang puwersang nais pumalit dahil sa makasarili o makabansang interes. Tapos na siya.

vuukle comment

AMERIKA

BERT LINA

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CESAR PURISIMA

DINADALA

GLORIA ARROYO

GMA

JUAN SANTOS

WILLY PARAYNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with