^

PSN Opinyon

Dating Cabinet secretary nakipag-split sa siyotang model-TV host dahil ayaw ng kanyang nanay

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nakipaghiwalay ang dating Cabinet secretary sa maganda nitong girlfriend na model-TV host dahil ayaw ng nanay niya rito?

Ayon sa aking bubwit happy birthday kay Air Force Maj. Gen. Orlando Buenaventura, Army Col. Allen Capuyan, Bro. Col. Fausto ‘‘Toti’’ Itchon, Eric Apolonio, Carlos Serrano at Kon. Chito Mariano.

Alam n’yo bang hanggang sa ngayon ay galit na galit pa rin ang isang model-TV host sa nanay ng dating Cabinet secretary?

Ayon sa aking bubuwit, galit ang model TV-host sa nanay ng dating Cabinet secretary dahil ito ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng kanyang boyfriend.

Minsan ay nakasama ng aking bubuwit ang model TV host sa isang Spa Center sa Makati City.

Dito ay ibinulalas niya ang sama ng loob sa nanay ng dating boyfriend na isa umanong maldita at mata pobre.

Kung hindi sana nakialam ang nanay ng kanyang boyfriend ay malamang mag-on pa silang dalawa. May tampo rin siyempre ang model sa kanyang ex-boyfriend sapagkat walang sariling paninindigan.

Isa umanong Mama’s Boy ang dating Cabinet secretary.

Ayon sa aking bubuwit, kapag nakakaharap pala ng model ang nanay ng ex-cabinet secretary ino-okray siya.

Hindi boto ang nasabing nanay sa model na maging siyota o maaring maging misis ng opisyal sapagkat hindi naman daw kilala ang pamilya.

Kilalang-kilala kasi ang pamilya ng dating Cabinet secretary, hindi lamang sa pulitika kundi sa alta sosyedad.

Ang gusto palang maging siyota at maging asawa ng kontrobersyal na nanay para sa kanyang anak ay mula rin sa kilala at mayamang pamilya tulad nila.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, tumagal din pala ng anim na buwan ang romantic affair ng dating Cabinet secretary at model-TV host.

Akala niya ay sila na ang magkakatuluyan sapagkat nagiging maganda ang kanilang love affair.

Naikuwento pa niya sa aking bubwit ang mainit nilang romansahan ng dating Cabinet secretary.

Kaya lang, kapag naalala niya ang nanay ng Cabinet secretary ay umaakyat ang dugo niya sa ulo. Naiimbiyerna sa nanay ng opisyal dahil masyado umanong pakialamera.

Sabi ba naman ng nanay ay itigil na raw ang pakikipag-relasyon sa cheap na model-TV host sa isang noon time show.

Ang model na nagalit sa nanay ng ex-boyfriend niyang Cabinet secretary ay si Miss L.A. as in Los Angeles.

At ang dating Cabinet secretary na isa namang Mama’s Boy ay si Secretary R. as in Romantiko.

vuukle comment

AIR FORCE MAJ

ALLEN CAPUYAN

ARMY COL

AYON

CABINET

CARLOS SERRANO

DATING

MODEL

NANAY

SECRETARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with